BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 4, 2010

mga bagay na gusto ko sa darating na pasko...

Bagong damit - Hindi naman paulit-ulit ang mga sinusuot ko, pero kelangan ko ng mas disenteng damit. Yung kumbaga swak sa panuto ng aking nobyo. Yung hindi kepkep shorts, hindi off shoulder. Kelangan ko narin ng bagong style. Hindi yung laging naka-shorts.


Pamilyang buo - Sino ba namang hindi hihiling nito? Lalo na sa mga *ehem* broken family dyan. Ako, matagal ko nang hiniling na sana pagkagising ko, isang pasko na madaming pagkain. Lahat ng masasarap na pagkain, nasa mesa at nakapaligid ang pamilya ko. Si Mommy at si Daddy, magkasama. Masaya. Hindi nag-aaway. Tas aasarin ko lang ng aasarin kapatid ko. Tapos ako kakain ng lahat ng nasa hapag kainan. Diba? Ang saya? Sabay bati ng MERRY CHRISTMAS! pagkasapit ng alas-dose. Kelan ko ba naranasan yung ganun? Ahm… I forgot.



Pasko sa piling ni IKING -  Oo, tama. Syempre, sa lahat ba naman ng taong may minamahal na kasintahan, hindi ba natin ito gustong makamtan? Ang isa o unang pasko na kasama ang taong nagpapatibok ng ating mga puso. Ako, gusto ko pero yun nga lang hindi matutupad ‘tong wish kong ‘to. Dahil sa hindi naman kami legal sa pamilya ko, kaya di siya welcome dito (AWW). Pero no worries! I don’t consider myself as a member of SMP or Samahan ng Malalamig ang Pasko. Because I have friends. And I have my family. Hindi nga lang kumpleto.  



 
Ito lang ang mga bagay na gusto kong makita sa ilalim ng Christmas tree (kahit wala pang nakatayo). Ito ang mga bagay na magpapasaya sa akin ngayong Pasko. Hinihintay ko nalang na nakalagay sa box at may malaking ribbon (pati yung pamilya ko at si Iking) at may nakalagay na:




“To: FRIXY. Merry Christmas!”

0 comments: