BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 4, 2010

Laging tatandaan: Hindi nasusukat sa dami ng boyfriend ang kagandahan.

Pero hindi ko rin masasabing sukat ito ng iyong kalandian. Aba, malay ko ba kung anung klaseng tao ka, diba? Hindi naman natin alam kung sadyang madaling ma-inlove ang isang babae kaya’t madami nang naging nobyo.




Hindi ko alam kung bakit minsan kinakailangan maging desperado sa lalake. Yung kumbaga, kakabreak lang, kelangan nang maghanap kagad ng panibago. Na parang ang buhay nya ay umiikot sa mga lalake. Na hindi siya makakasurvive ng isang linggong walang nilalandi.



Ako, bilang babae na may pusong lalake, kelangan ko ring ipagtanggol ang mga matitinong kalalakihan sa mga babaeng ginagawa lang silang bling bling. Yung kumbaga, suot para makakuha ng atensyon, sabay hubad pag hindi na uso. Pwede ring masuot lang sige, tapos pag nagsawa, hala, palit bago. Ano tingin nyo sa lalake? Damit na pwedeng palitan pag namaho ten times a day?



Hindi rin kita masisisi. Walang basagan ng trip. Pero sana isipin mo naman, may nasasaktan din sa ginagawa mo. Lahat ng pinaglololoko mong lalake? Lahat ng sinaktan mo at iniwan sa ere? Kapag ikaw, nagseryoso, sinasabi ko sa’yo, babalik sa’yo yang mga ginagawa mo.



Maawa ka rin naman sa sarili mo. Hindi mo na ba iniisip ang mga iniisip sa’yo ng ibang tao? Na pag nakikita ka nilang may ibang lalake kahapon, tas the next week, panibagong kaholding-hands nanaman ang kapiling mo? Hindi mo ba iniisip na minsan, lahat ng pinagkekwentuhan mo tungkol sa mga lalake mo, eh napapaisip rin na: “Tangina, Landi mo pre. Manahimik ka nga sa isang tabi.”



Minsan, isipin naman natin ang ating mga gagawin bago tayo gumawa. Wag yung tira ng tira na kumbaga, hindi na importante yung magiging kalalabasan ng ating ginagawa. Dahil pag ikaw, pinagtripan ng karma, ikaw ang kawawa.

0 comments: