BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 4, 2010

ang masasabi ko lang...

Kapag iniwan ka na ng lalake, edi fine. Go, hayaan mo siya. Hindi mo kawalan yun. Kawalan nila. Saan ka pa ba makakahanap ng tulad mo na binigay na ang lahat para lang maging maayos ang lahat? Na sobra sobra kung magmahal, magbigay na kahit hindi inaappreciate ang mga ginagawa nila sa’yo, nagbibigay ka parin. Na kahit minsan, nasasaktan ka sa mga disappointments mo, ngumingiti ka parin. Saan sila makakahanap ng babaeng tulad mo? Diba? Kaya kung iniwan ka niya, edi sige. Wag mong ipilit ang sarili mo’t magmukhang desperadang gaga. Ang mas maganda, ipakita mo na masaya ka. At least, kung babalikan ka nya, hindi ka nya babalikan ng dahil lang sa awa dahil napansin nya na siya rin pala ang nagkamali para iwan ka.




Alam mong maganda ka, madaming lalakeng magkakandarapa sayo. Pero syempre, tayo talagang mga babae, kahit gaano pa kadaming lalake ang lumandi sa atin, kung siya lang talaga gusto natin, siya talaga. Loyal tayo eh! Haha! Pero minsan, isipin mo. Naging masaya ka rin ba sa kanya? Oo, masaya ka kasi kasama mo siya at mahal ka nya pero yung tunay na saya, yung essence ng saya, naramdaman mo ba? Malay mo, makahanap ka ng lalakeng magpaparamdam sayo ng mga bagay na hindi mo naman naramdaman sa kanya. At pag nangyare yun, makakalimutan mo na siya. Habang si lalakeng nang-iwan at pinabayaan ka? Mapapaisip nalang yan na sana hindi ka nalang niya iniwan. Na sana hindi ka nalang niya sinaktan.



Kaso pagdating ng araw na yun, wala ka nang pakelam sa kanya. Nakaganti ka na. Quits.

0 comments: