Wednesday, February 9, 2011
Minsan naiisip ko na magpakalayo-layo. Sa malayong-malayong lugar. ‘Yung walang nakakakilala sa akin. Hindi para hanapin ang sarili ko, kundi para “gawin” ko ang sarili ko. Kaya lang ayokong mahiwalay sa mga taong minamahal ko at nagmamahal sa akin ng tunay. Marami akong pangarap sa buhay na gustong mangyari at isa sa mga ‘yun ay tuparin ang mga pangarap nila. Naisip kong huwag na lang ipagpatuloy ang paglayo ko sapagkat nalaman kong hindi ko naman kailangang lumayo dahil habang lumalayo ako at tinatakasan ko ang buhay ko, lumalapit naman ang katotohanang duwag ako sa mga bagay na dapat kong harapin at ipaglaban.
Posted by FRIXY at Wednesday, February 09, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment