BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Wednesday, February 9, 2011

di ba dapat gumaganti ako?

eh bakit parang nanghihina pa rin ako. nanghihina sa paraan na di ko siya magawang talikuran, magawang paiiyakin at gawing miserable ang buhay niya. bakit?

gusto ko siyang gantihan ng labis-labis dahil sa sakit na naidulot niya sa akin pero bakit parang di kaya ng mata ko na makita na nahihirapan siya ng dahil sa akin. bakit sa kabila ng paghihirap na dulot niya sa akin siya at siya pa rin ang tawag ng aking damdamin? (seriously). ako na natanggap siya kung ano man ang kanyang naging nakaraan, ang kanyang napagdaanan. tinanggap ko iyon ng buong-buo dahil alam ko na parte un ng kabuuan niya. dun ko siya minahal eh.

naiinis akong isipin na kung kelan pa umaayon na sa akin ang pagkakataon para gumanti mas lalo ko lang siya minamahal na parang wala ng bukas.

isa lang naman talaga ang pangarap ko sa ngayon eh.:
UN AY ANG MAGING AKIN SIYA NG BUONG-BUO, UNG TUMAGAL ANG "KAMI" HANGGANG SA DULO.


kaya naman kitang ipaglaban sa abot ng makakaya ko eh. basta akin ka at sa iyo ako. KUNTENTO NA AKO DUN. sabihin man nila na GAGO AKO dahil ikaw pa rin ung pinipili ko over the others na alam ko na mas higit sayo. I DON'T FUCKING CARE. bakit kung higit man sila sayo ang tanong, MASAYA BA AKO?

kasi nga, alam ko sa sarili ko na sayo ako kinikilig at napapangiti ng bongga. na sa piling mo ako sumasaya at sa tabi mo ako liligaya ng sobra-sobra. mahirap bang maintindihan un? ha?

kasi nga, mahal na mahal kita. kasalanan ko bang pumara sa buhay mo sa mga panahon na nasa istasyon na ako ng buhay ko kung saan ako natutong magseryoso at magmahal ng totoo. Boy, matanda na ako para makipaglaro pa ng taguan at patintero sayo. ramdam ko sa sarili ko ang tunay na nararamdaman ko. mahal na mahal kita, pangako.

kaya ikaw mag-ingat ka dahil mahal na mahal kita. intay ka lang magpaparami pa tayo. LOLs :)

0 comments: