Isa sa pinakamahirap na sagutin sa mga tanong ng iyong textmate/chatmate. Lalo pa’t gusto mo yung taong kinakausap mo. Nung una medyo okay pa, biglang dumating sa punto na tinanung nya ang putanginang tanong na “Topic?”. Bigla-bigla ka nalang magpapanic. Isip ng isip kung ano ang pwede. Dahil sa hindi mo naman alam ang likes at dislikes nya, nahihirapan ka. At dahil sa halos lahat na ng bagay sa mundo, maski ang dumi dyan sa kanto ng kwarto mo, napag-usapan nyo na, hindi ka na makaisip ng bagay na pwede nyong pagtalakan.
Syempre, dahil nga sa wala na kayong pinag-uusapan, bigla nalang hindi kayo magtetext sa isa’t isa dahil sa puro nakakatamad na lang ang nirereply nyo sa isa’t isa. Parang ganito..
Boy: Topic?
Ikaw: Ha? Ewan ko. Wala akong maisip eh. Ikaw mag-isip.
Boy: Wala rin ako maisip eh.
Ikaw: Aw.
Boy: …
Ikaw:…
*end of conversation*
So yun nga. Hanggang sa hindi na nga magreply. Hanggang sa hindi na kayo mag-usap. Hanggang sa mawala na siya sa’yo. Hanggang sa wala na.
End of your fake fairy tale. Chos.
Sunday, January 9, 2011
“Topic?”
Posted by FRIXY at Sunday, January 09, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment