BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Sunday, January 9, 2011

Ang mahirap lang sa pagiging mag-MU ay:

Wala ka karapatang magselos kahit na sobrang nadudurog na puso mo kapag makikita siyang may kausap, katext, kasamang iba.


Walang kasiguraduhan na magiging kayo sa huli.

Hindi mo maiiwasang umasa.

Gusto mo sabihin sakanyang “Akin ka lang!” pero ano karapatan mo?

Wala ka ibang magagawa kundi maghintay.

Alam mo yung gustung-gusto mong sabihin sa kanya na tigilan mo na ang panlalandi sa ibang babae? Pero nagdadalawang isip ka na sabihin dahil natatakot ka na baka ang isumbat sa’yo: “Sino ka ba?”. Tapos wala ka pang kasiguraduhan kung kayo nga sa huli, kung sinasayang mo nalang ba oras mo o hindi.




Pero yung pinakamasaklap ata, eh yung, magising ka nalang isang araw, ni isang text, o pagpaparamdam, di nya nagawa. Yun pala, ayaw nya na sa’yo, kaya pala hindi na siya namamansin.

0 comments: