I don't know where to start. Gusto ko lang magkwento ng mga nangyare sakin for the past few months na inactive ako sa blog ko.
May mga bagay din na di ko inaasahan na mangyare. At ayoko talagang mangyare. Nastroke si mommy. I needed to leave work para maalagaan ko siya ng mas maayos pero kinailangan ko din bumalik para matustusan ung mga kailangan naming dalawa. Mabili ung mga gamot at maintenance niya. Kelangan ko hatiin ung katawan ko sa tatlo. Bilang anak, bilang employee at para sa sarili ko.
At dahil good provider si Lord, super daming blessings in disguise ang natanggap namin ng mommy ko. Napromote pako sa trabaho ko. Mejo lumawak nga lang ung range ng work ko pero mas okay na din un. Pampadami na din ng experience ko sa resume para kahit dun man lang makabawi bawi ako.
Thanks God naman maganda ung response ng katawan ni mommy sa mga gamot, maintenance at theraphy niya kaya mas mabils ung recovery niya. Sobrang bait talaga ni Lord. Alam niyang kakayanin ko kaya binigay niya sakin ung ganung klaseng pagsubok.
Kami pa ba ng mommy ko. Pupunta pa kami niyan sa Europe eh.
So un na nga, marami talagang nangyare sakin netong mga nakaraang buwan. May mga nakilala ako, may mga bumabalik at may mga bumalik pero later on umalis din ulit. May mga nagpaparamdam pero ineenjoy ko lang muna lahat. Masaya din naman maging single.Marami kang pwedeng gawin na walang magbabawal sayo, walang magagalit at wala kang iniintindihin na sakit sa ulo. I've learn from my past experience na di mo kelangan idepende sa ibang tao ung happiness mo, ung buhay mo at buong pagkatao mo. Di kelangan paikutin mo ung buhay mo sa mundo nila kasi pag iniwan ka na, ikaw din ang kawawa. Nawalan ka na nga muka ka pang tanga.
Andami nang bago sakin after what happened samin ni Ruel. Marami akong natutunan na dati akala ko di ko kaya, na di ko sukat akalain na magagawa ko pala. Mas naging matured akong harapin lahat ng bagay na dumarating sakin. Mas pinagpaplanuhan ko na ng maigi ung buhay ko.
Oo, 23 pa lang ako pero ung responsibilities ko pang 30+ na. Eh ano naman? Wala naman sa muka. Hahahaha.
Ung love?
Di naman yan hinahanap eh. Kusa yan dadating sayo. Trust HIS perfect timing. Kung ibigay na edi pahalagahan pag hindi pa, antay lang natraffic lang un. Hahaha.
All that Im praying to God right now is good health. Para kay mommy at para na din sakin. Mas maraming blessings sa upcoming year.
Ung mga plano ko for next year nawa matupad. Un kasi talaga ung pangarap ko. And I'll do anything to make that happen. Di lang para sa sarili ko kundi para na din sa mommy ko.
At para sa usaping puso ko?
I'll leave that thing private for now. Ayoko muna ipagkekwento baka maudlot. All I know is masaya kami kahit sobrang layo namin sa isat isa. Bago pa lang naman kaya nagpapakiramdaman pa lang muna. Tsaka first time ko to and Im hoping this will work out.
I'm happy with him. (kita naman sa muka. ehem! hahaha)
Kung siya man ung binigay na or hindi pa nawa may matutunan kami sa isat isa. May macontribute nawa kami sa growth naming dalawa.
Mahal niya ako.
Mahal ko siya pati ung extra luggage niya.
092416
Saturday, October 15, 2016
October 16, 2016
Posted by FRIXY at Saturday, October 15, 2016 0 comments
Saturday, February 20, 2016
Ang huling sampung minuto
Posted by FRIXY at Saturday, February 20, 2016 0 comments
Tuesday, February 16, 2016
Ikaw pa din ang dulo, gitna at simula...
Ito ung isa sa mga gabi na sobrang hirap para sakin aminin sa sarili kong namimiss pa din kita. Na ikaw pa din pala sa kabila ng ilang buwan na wala ka. Mahirap siguro talaga kalimutan ung taong minsan ginawa mong buhay mo, ung taong tinuring mo nang mundo mo. Sa totoo lang di ko alam kung pano ko isusulat tong nararamdaman ko. Walang exact word/s para iexplain kung gaano pa din ako nasasaktan sa araw araw na pagising ko na hindi na ako ung mahal mo. Na sobrang huli na ung lahat para sating dalawa. Na wala nang chance maibalik pa ung 'tayo'. Na iniwan mo nako magisa sa kabilang mga pangakong binitawan natin sa isat isa. Sobrang nasasaktan pa din ako sa nangyare dalawa. Di ko ni minsan naisip na darating tayo sa puntong ganto na hindi na kita matuturing na sakin. Hindi ko naisip ni minsan na babangon ka na hindi ako ung nasa tabi mo. Na hindi akong tutupad sa mga pangarap mong sabay nating pinangarap at patuloy kong papangarapin hanggang sa mga oras nato. Di ko alam kung pano ko bibitawan ung alaala ko na kasama ka. Wala ni isang oras na hindi ka pumasok sa isip ko. Gusto kong humiling na nawa mabasa mo to baka sakali pang bumalik ka sakin kahit sa paraang awa pero kagaya nga ng sabi ko kanina, huli na ang lahat para satin. Sobrang huli na. Mahal na mahal kita wewe. God knows how much I really love you. How much you mean every little thing to me. Sobrang nasira ako ng nawala ka sakin. I wanted to do everything just to be with you again pero marami nang masasaktan. Alam ko masaya ka na sakanya. Un lang naman ung hiling ko simula pa noon eh, ung happiness mo. Kahit sa mga oras nato hindi na ako ung makakapagbigay nun sayo. Na hindi ka na sakin huhugot ng kasayahan sa pang araw araw mo.
Posted by FRIXY at Tuesday, February 16, 2016 0 comments
Sunday, November 1, 2015
The answer
Posted by FRIXY at Sunday, November 01, 2015 0 comments
Still SINGLE....
And still very happy. ❤️😊👌
Posted by FRIXY at Sunday, November 01, 2015 0 comments
Tuesday, September 8, 2015
Dan Ace Mercado❤️
Bestfriend to lover.
Posted by FRIXY at Tuesday, September 08, 2015 0 comments