BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, February 20, 2016

Ang huling sampung minuto



February 20, 2016


59th monthsary ng MA-AL


"SANA"


Ano na kaya tayo ngayon kung sakaling di tayo naghiwalay? Pano kaya natin ise-celebrate ung araw natin na to? Sobrang saya siguro natin noh? Ung kahit walang wala tayo masaya pa din tayo kasi kasama natin ung isat isa. Binibilang pa din natin ung mga araw na pagsasamahan pa sana natin. 


Ito nanaman ung mga gabing naiisip pa din kita. Dinadalaw at minumulto pa din ako ng alaala mo. 


Naalala mo din kaya ako gaya ng pagalala ko sayo?


Malamang




Hindi na




Pero kahit ganun andito pa din ako. Ung dating ako na mahal na mahal ka, ung dating ako na hindi naman talaga umalis, inaantay ka pa din kahit alam kong di na darating pa ung oras na babalik ka. Na babalikan mo ulit ako. 



MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA AL. 



Kung nasan ka man ngayon, kung ano man ung ginagawa mo, nawa masaya ka. 



I wish you all the happiness in the world LAB even though I am no longer its reason. 



I love you so much and I always will. 


Happy 59th monthsary LAB. 😔


P.S. Isang buwan na lang 5 taon na dapat tayo kung parehas lang tayo lumaban. Kung mas pinili lang natin ung tayo kesa sa ako at ikaw. Sayang. Tayo pa sana at hindi kayo. 😔


0 comments: