Bestfriend to lover.
We started as best of friends. Nagkaroon ng sari-sariling partner then BOOM! Nagising na lang ako isang araw with the realization of: IM ALREADY INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
OO, maling mali. We are both committed. Siya kay veron ako kay ken.
Ken was my next boyfriend right after ruel. Our relationship didn't work out dahil na rin siguro sa bilis ng mga pangyayari. Ken and I only lasted 5 weeks as a couple. Bigla ko na lang siyang di kinausap because I really can't bear watching him habang nakikipagbreak ako sakanya. Mahina ako. Baka di ko kayanin. Baka mas lalo ko lang siya masaktan pag pinatagal ko pa.
Mali man pero I am slowly falling inlove with my bestfriend while kami pa ni Ken. I kept that feeling to myself because Im scared it might ruined our friendship as bestfriends. Ayokong mawala si Dan kasi mahalaga siya. Importante siya sakin.
Until one day...
Bigla na lang ng nagpakita ng sweetness si Dan. Different kind of sweetness this time. Di ko alam pero masaya akong nararamdaman ko un sakanya. Hanggang sa tumagal ng tumagal mas madalas na kami ung magkasama kesa sila ni Veron knowing na magkasama pa sila sa trabaho ah. May mga times pa na tumatawag si Veron sakanya pero di niya sinasagot. Lagi niyang bukambibig...
"Hayaan mo na. Araw araw naman kami nagkikita. Pag oras mo na ikaw lang dapat. "
Oo, kinilig ako pero may side sa pagkatao ko na napapaisip. Ano ba talagang meron? Am I just assuming or may something talaga? May kakaiba eh.
"Mahal na ata kita brad!"
Bigla ko na lang narinig sakanya yan out of nowhere. Nakakagulat. Nakakagulantang. I was so shocked to the extent na di ako nakasagot agad bigla. (Ugali ko kasi na barahin lagi siya)
Honestly, kinilig ako right after magsink in sakin ung sinabi niyang un. Ikaw ba naman. Mahal ka na pala ng taong gusto mo di ka pa kikiligin. WOW HEAVEN. Then, he made things clearer for me. Matagal na din pala siyang nakaramdam ng affection sakin. He didnt mind it also at first pero sabi niya nga lalong pinipigil, lalong nanggigigil. Natakot din daw siya na iwasan ko siya pag nalaman ko kaya tinago na lang daw niya.
"Nahulog ako nung araw na umiyak ka sa harapan ko. Nakita ko kung pano ka magmahal. Nakita ko kung pano ka magbigay na halos pati sarili mo nakalimutan mo nang tirahan."
That was his exact words nung umamin siya sakin nung July. I was so happy that time I almost forgot about him and Veron. At dahil nalaman ko na, umamin na din ako. I told him everything.
Na mahal ko din siya. Na gustong gusto ko na din siya pero hindi pa din kami pwede...
Hindi pwede dahil kay Veron.
Veron is such a nice person. Naging kaibigan ko na din siya kaya alam ko na mahal na mahal din niya si dan. Walang masamang tinanim si Veron kaya she doesn't deserve such treatment. Ang lokohin.
We decided na pigilan na ung nararamdaman namin. Kahit mahirap. Kahit masakit.
Masakit masaktan pero mas masakit makasakit.
Nagpatuloy kami na parang walang nangyare. Na wala kaming nalaman. Walang napagusapan.
We tried to control our feelings. Alam ni Lord yan. Pinigilan namin magusap ng magusap. Magkita ng magkita. Pero nauwi lahat ng pagpipigil sa wala. He broke up with Veron bago matapos ung July.
Napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong di ako masaya na parehas na kaming may freedom.
Freedom to do what we really wanted to do.
Sobrang masaya akong wala na rin kaming nasasagasaan. Wala kaming niloloko. Wala kaming pinagmumukang tanga.
I thought after this ok na. Hindi pa din pala. I read a quote on twitter saying...
"Pag nainlove ka sa bestfriend mo dapat handa ka din mawala siya sayo. "
Napaisip ako pagkabasa ko niyan.
Handa na ba akong mawala siya sakin anytime? Handa na ba akong mawala ung bestfriend ko sakin? Walang ngang forever diba. Yan ung natutunan ko after Ruel and I broke up. There's no such thing permanent in this world. Lahat pwedeng mawala. At di kami exception dun.
"Kapalit ng OO ko ang pagkawala ng bestfriend ko. "
Akala ko madali lang ang lahat pagkatapos kong malaman na gusto na din pala ako ng bestfriend ko. Akala ko lang pala. Mas mahirap pala mastuck between sa gusto ko at kailangan ko.
Gustong gusto ko na siya sagutin pero kailangang kailangan ko din ung bestfriend ko.
Di nako naniniwala na pwede mong maging bestfriend ang boyfriend mo. Di lahat ng bagay pwedeng gustuhin niyong dalawa. May ilang bagay pa din na pagtatalunan niyo as a couple pero magkakasunduan mo ng bestfriend mo. Sino na lang ung bestfriend na tatakbuhan ko pag nagaway kami ng boyfriend ko kung ung mismong jowa ko ay ung bestfriend ko. Wala diba?!
Masakit man aminin pero alam ko sa pagkakaibigan kami mas magtatagal.
Walang heartbreak
Walang disappointments
Walang sakit
Walang problema
"Ilang beses mo man ako talikuran. Iintayin ko pa din hanggang sa maging ready ka na brad."
Di ko alam kung hanggang kailan. Di ko alam kung darating pa ako sa time na ready nako "satin". Di ko alam kung kaya ko bang isacrifice mawala ung bestfriend ko sakin. Di ko pa talaga alam sa ngayon. Magulo talaga ung utak ko ngayon.
All I know right this very moment is...
MASAYA AKO. MASAYA AKO SAYO BRAD. SOBRANG SAYA KO NA MALAMAN AT MARAMDAMAN NA MAHAL MO DIN AKO.
Just give me more time to think things. Konting panahon pa para pagaralan ung sarili kong nawala nung nasaktan ako, nung naiwanan ako.
Mahal kita Dan. Andito na tayo eh. Onting intay na lang. Malalaman mo na din ung sagot ko.
BRAD WILL ALWAYS BE BRAD NO MATTER WHAT! 👊
We'll never give up coz the best of things always take time. ❤️
Y E N x D A N
0 comments:
Post a Comment