BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, February 20, 2016

Ang huling sampung minuto



February 20, 2016


59th monthsary ng MA-AL


"SANA"


Ano na kaya tayo ngayon kung sakaling di tayo naghiwalay? Pano kaya natin ise-celebrate ung araw natin na to? Sobrang saya siguro natin noh? Ung kahit walang wala tayo masaya pa din tayo kasi kasama natin ung isat isa. Binibilang pa din natin ung mga araw na pagsasamahan pa sana natin. 


Ito nanaman ung mga gabing naiisip pa din kita. Dinadalaw at minumulto pa din ako ng alaala mo. 


Naalala mo din kaya ako gaya ng pagalala ko sayo?


Malamang




Hindi na




Pero kahit ganun andito pa din ako. Ung dating ako na mahal na mahal ka, ung dating ako na hindi naman talaga umalis, inaantay ka pa din kahit alam kong di na darating pa ung oras na babalik ka. Na babalikan mo ulit ako. 



MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA AL. 



Kung nasan ka man ngayon, kung ano man ung ginagawa mo, nawa masaya ka. 



I wish you all the happiness in the world LAB even though I am no longer its reason. 



I love you so much and I always will. 


Happy 59th monthsary LAB. 😔


P.S. Isang buwan na lang 5 taon na dapat tayo kung parehas lang tayo lumaban. Kung mas pinili lang natin ung tayo kesa sa ako at ikaw. Sayang. Tayo pa sana at hindi kayo. 😔


Tuesday, February 16, 2016

Ikaw pa din ang dulo, gitna at simula...

Ito ung isa sa mga gabi na sobrang hirap para sakin aminin sa sarili kong namimiss pa din kita. Na ikaw pa din pala sa kabila ng ilang buwan na wala ka. Mahirap siguro talaga kalimutan ung taong minsan ginawa mong buhay mo, ung taong tinuring mo nang mundo mo. Sa totoo lang di ko alam kung pano ko isusulat tong nararamdaman ko. Walang exact word/s para iexplain kung gaano pa din ako nasasaktan sa araw araw na pagising ko na hindi na ako ung mahal mo. Na sobrang huli na ung lahat para sating dalawa. Na wala nang chance maibalik pa ung 'tayo'. Na iniwan mo nako magisa sa kabilang mga pangakong binitawan natin sa isat isa. Sobrang nasasaktan pa din ako sa nangyare dalawa. Di ko ni minsan naisip na darating tayo sa puntong ganto na hindi na kita matuturing na sakin. Hindi ko naisip ni minsan na babangon ka na hindi ako ung nasa tabi mo. Na hindi akong tutupad sa mga pangarap mong sabay nating pinangarap at patuloy kong papangarapin hanggang sa mga oras nato. Di ko alam kung pano ko bibitawan ung alaala ko na kasama ka. Wala ni isang oras na hindi ka pumasok sa isip ko. Gusto kong humiling na nawa mabasa mo to baka sakali pang bumalik ka sakin kahit sa paraang awa pero kagaya nga ng sabi ko kanina, huli na ang lahat para satin. Sobrang huli na. Mahal na mahal kita wewe. God knows how much I really love you. How much you mean every little thing to me. Sobrang nasira ako ng nawala ka sakin. I wanted to do everything just to be with you again pero marami nang masasaktan. Alam ko masaya ka na sakanya. Un lang naman ung hiling ko simula pa noon eh, ung happiness mo. Kahit sa mga oras nato hindi na ako ung makakapagbigay nun sayo. Na hindi ka na sakin huhugot ng kasayahan sa pang araw araw mo. 



Sobrang miss na miss na kita wewe. Sa kahit anong ginagawa ko, sa pagkain na kinakain ko, sa mga lugar na pinupuntahan ko ikaw at ikaw pa din ung naaalala ko. Ive tried my very best commiting myself to other man out there pero ikaw pa din ung nakikita ko sa lahat. Ikaw pa din ung hinahanap ng mata, isip at puso ko. At dun ako nasasaktan kasi ung kaligayahan ko happiness na rin ng ibang tao at wala nakong pwedeng gawin pang remedyo dun. Gustong gusto kitang yakapin ng sobrang higpit ngayon kasi sobrang miss na miss ko na ung yakap mo sakin. Sobrang miss na miss na kita to the point na sobra na din akong nasasaktan sa nararamdaman ko. Araw araw kong dadalhin ung guilt na hindi ako naging matapang para habulin ka at magmakaawa na ayusin ulit natin ung relasyon natin. Sobrang nagsisisi ako na hindi ko ginawa ung mga bagay na pwede ko naman gawin para hindi ka mawala at hindi tayo masira. 


Sobrang hirap para sakin isulat tong nararamdaman ko dahil hindi ko alam na darating ulit ako sa puntong umiiyak akong nagsusulat. Isinusulat ko ung kung ano man ung nararamdaman kong sakit na di ko masabi sa kahit kaninong tao na nasa paligid ko. Sobrang hirap we. Sobrang hirap makita kang masaya na sakanya. Sobrang hirap aminin na sa kabila ng lahat ikaw at ikaw pa din ung laman nito. I am so sorry for still loving you this much. I am sorry. 


Nawa we, somewhere sa puso mo may onti pa ding pagasa mapatawad mo ako sa lahat lahat. Sa lahat ng mali at pagkukulang ko sayo at sa relasyon natin. Mahal na mahal pa din kita higit pa sa sarili ko. 


Ikaw pa din ung nagiisang lalaking papangarapin ko kahit alam kong sobrang labo na makasama kita hanggang sa dulo ng laban ko. Ikaw pa din ung gusto kong makasamang tumanda. Ikaw pa din ung lalaking gusto ko pagsisilbihan sa araw araw ng buhay ko, maging daddy ng mga magiging anak ko. Sayo ko pa din binubuo ung mga pangarap ko kahit alam kong sinasaktan ko lang ng paulit ulit ung sarili ko sa pagbuo nito. 



Anlaki ng regrets ko we dahil sa nangyare satin. Sobrang panghihinayang ung nararamdaman ko sa bawat minuto ng buhay ko ng simula ng mawala ka. 


Wag mo na lang siguro ipagdamot sakin na mahalin pa din kita kahit wala ka na. Mamahalin at mamahalin pa din kita sa paraang ikaw at ikaw lang. Ikaw lang ung lalaking bubuo ulit sa nasirang ako. 





I LOVE YOU SO MUCH RUEL. I REALLY LOVE YOU SO SO MUCH. 





Wala nakong ibang mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo. 






"You will always be my one wish upon that star LAB/AL/BABYKO/WEWEKO"






Until I see you again my one great love...








2/16/16