Nakakapanlambot mabasa ang gantong mga salita from the only person you have ever love. Pero in my case. Wala akong ni katiting na right para masaktan because in the first place, ako ang nagpush sa kanya para masabi niya to sakin.
Oo. Inaamin ko, ngayon ko lang narealize lahat ng mali ko na nagawa sa kanya. I TOOK ADVANTAGE OF HIM KNOWING THAT HE LOVES ME SO MUCH, knowing na di niya ako iiwan ng ganun ganun na lang. Tama siya, naging panatag ako sa relationship naming dalawa. Hinayaan kong maging slave ko siya for 4 years. PRIDE ung pinairal ko sa sarili ko na kamuntik nang ikasira namin. Nagsisisi ako na kelangan pa dumating sa point na to bago ko marealize lahat. I know its too late. Di ko na mababalik at mababago pa ang nangyari. It was all my fault.
Honestly, naiisip ko talaga na sa ugali kong to I don't deserve him anymore. He is a man any woman could ask for. Dun ako natatakot kasi pwedeng may makaagaw sakanya sakin. Pwedeng may makita siyang mas deserving sa kung anumang kaya niyang ibigay. Ung mas pahahalagahan lahat ng effort at sacrifices na binibigay niya at willing pa niyang ibigay kesa sakin.
"Mas better pa siya sa lalaking pinapangarap ko"
Hndi mo kailangan lumuhod para lng maramdaman q sincerity mo. Minahal kta. Napagod nlng aq manuyo. --RUEL
After reading this nanlumo talaga ako. This must be it. Sign na siguro to. Sign na to na any moment pwede na niya ako iwan. Nagawa na niya ung role niya bilang isang ideal boyfriend/partner. Ako lang ang di nagpahalaga nun. Natatakot ako, takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Di ko alam what will happen to me pag iniwan niya ako. Ung kaya kong gawin sa sarili ko pag iniwan niya ako. I know suicide is stupidity pero un talaga ung unang naiisip ko pag iniwan niya ako. I can't handle such pain of losing him.
Buong buhay ko sakanya ko na pinaikot. Wala na akong ibang tao na malalapitan because hinayaan kong ibuhos lahat ng time and attention ko sakanya at di ko pinagsisihan un because ginawa niya rin un para sakin. Para di ako magselos pero un pa din ako, nagseselos pa din ako.
Ansakit pa din ng nararamdaman ko up to now pagkabasa ko ung text niya na un. Nararamdaman kong kelangan kong magmakaawa araw araw para lang bumalik siya sa dati. Ung dating alam ko mahal na mahal niya din ako. Magmakaawa na wag niya ako iwanan. Magmakaawa hanggat kaya ko na sakin na lang siya. Sobrang naawa ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko to pero sabi ko nga, wala akong right na magreklamo kasi kasalanan ko din naman lahat to.
0 comments:
Post a Comment