BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Sunday, November 23, 2014

Everything is changed....

Naguguluhan ako. Nababaliw ako. Napapraning ako. At higit sa lahat nasasaktan ako. 

Ano ba tong nangyayari saming dalawa? Bakit pakiramdam ko binabalewala na niya ako. Mahal daw niya ako pero bakit ganto ung nararamdaman ko. Ni sa paggising niya sa umaga pakiramdam ko di na ako ung unang tao na nasa isip niya. Laging trabaho trabaho trabaho. Oo, every week magkasama kami tuwing restday namin pero kinukulangan ako sa isang buong araw na kasama siya. Pag magkasama pa kami puro siya PSP. Laro na dapat sa eh bonding naming dalawa. Daily routine niya na ung...

Gising
Kain
Palag
Alis
Pasok
Break
Uwi
Kain
Tulog

Asan ako jan ngayon? Walang space. Hindi makasingit. Dati ako ung isa sa mga priorities niya pero ngayon parang ni sa choices eh wala na ako.  Napakaselfish ko bang matuturing na gusto ko lang eh akin siya? Nagmamahal lang naman ako. And that the kind of love na gusto ko. 

Nasasakal ko na ata siya. Andami ko kasing pinagbababawal. Feeling ko kasi pag di ko siya pinakealamanan eh parang di ko na siya mahal. 

Nakakahiya ngang aminin na ultimo batang walang kaalam alam pinagseselosan ko na. Dati kasi sakin siya ganyan. Di dahil sa pasalubong or any material thing kundi dahil sa feeling na excited siya makita ako, makasama ako, na makausap ako. Sakin kasi siya dating ganyan. Masakit man aminin pero hindi na ngayon. 😢😢😢



Napakarandom ng nasa utak ko. Andami kong hinanakit kay wewe. Di ko alam kung ano ung uunahin ko pero gusto ko lahat un malaman niya, para kahit papano mabawasan ung bigat dito 💔


Sana magkaroon kami ng masinsinang paguusap para masabi ko lahat. Ung walang epal. Ung walang hinahabol na oras. Ung walang umaagaw ng attention. Ung kaming dalawa lang. 😞😞😞😞😞😔😔😔😔😔 

0 comments: