BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Thursday, January 9, 2014

Just like weather, people change

I just have two things to say. Isang nakakagood vibes at isang nakakabad vibes. Uunahin ko na muna ung bad thing para sa huli may touch pa din ng happiness. Alright, here it goes...




I woke up this morning with a message like this...


I knew it. After reading that message alam na ng instinct kung pupunta ung napakagaling kong nobyo kung san man un lupalop ng mundo. After just a couple of hours he texted me with his usual good morning message. Then I called him to clear things up. At di nga ako nagkamali. He's acting as if he's hesitating if sasama ba or hindi sa kapatid niya. I know right, di na mapakali ung leche niyang paa na makaalis. And yes, he always have his reason. He always have it with him. 👏👏👏👏 Ang nakakainis kasi indenial pa ang damuho eh halata naman sa sagot na gogora siya. Mga lalaki nga naman. Di na sabihin ang totoo para wala nang pasakalye. Actually, I have no problem with his uncle. Ung asal lang niya ng nakakaasar. Bakit? Ito na ho ang talagang highlights ng nakakabad vibes na araw ko...


Pag gusto ko pero ayaw niya, di na pwede masunod. Pero pag gusto niya at ayaw ko eh. Who the hell cares masusunod pa din siya. 


Tangina ho! (Sorry for the words) Unfair naman masyado. Diba? Who's with me? Diba? DaEfff talaga! Pag ako di pwede umalis pag siya ok lang kahit ayaw ko?! Asan ung give and take dun? Asan! Anak naman ng pitong dyablo oh! 

Hindi po reunion ng Mediatrix Of Graces na ayaw niya akong papuntahin ang pinuputok ng butchi ko niether ang pagpunta niya kung kaninong kamaganak ang gusto niya. Kesyo kukunin lang ung screw at magpapaturo kung pano ayusin ung tanginang PSP na yan. Ano, di kaya ng kapatid ang isang screw driver? Ilang libra ba yan ha? Daming dahilan! Ang akin lang naman sana eh matuto namang maging fair. Di kasi ako pumayag na umalis siya ng bahay at baka languin nanaman niya ung sarili sa alak. Mukang pulang kabayo pa naman un at kung ano pang hard drinks na uso sa earth ang muka nun. Kaya ayoko siyang aalis na lang basta basta na lang sa kanila. Pero kahit ayaw ko eh sinunod pa din niya ung sarili niya at un umalis pa din siya kahit na umayaw na ako nung una pa lang. Asan ako sayo ha, Ruel Tiburcio! Batas ka ba ha? Sarap ihampas ng ten times sa muka mo yang libro ng saligang batas mo! Nakakaasar talaga. And to tell you, di ko pa siya nakuha sa panakot na di ako makikipagusap for a week pag pumunta siya. Aba, napakatigas ho ng muka! Walang kasing tigas! Oo nga naman kasi si girlfriend lang naman ako.

Mind you, every girl has their own fucking limits. Onti na lang sakin, madidibdiban na kita sa likod Mr. Ruel Tiburcio!

Para fair, pagiipunan ko ung reunion at pupunta ako. No buts and whys mother fucker! Susundin ko naman ung sarili ko just like what you did earlier. 😏😏😏 See you mga kapatid ko kay Pampy sa 26. 8am sharp anjan na ako. 😏😏😏😏😏😏😏😏😏😏 Party party just like the old times.





G o o d v i b e s -


First things first, isa sa top list ng good vibes ko today is the Feast Of the Black Nazarene ng Quiapo. 🙏🙏🙏 Di man ako nakasaksi sa bulto ng tao na nananalig sainyo. I'm with the thousands of people in spirit. 🙏 Marami man pong nasaktan, Lord I know kayo na pong magheheal sa lahat ng sugat, pagod at sakit ng katawan na kinaharap ng mga devoters niyo. Ung mga nasawi po, I know Lord they are with you in heaven with all smiles in their faces kasi po hanggang sa huli kasama ka pa din po nila. 🙏👍


Second, 




Excuse my haggard face. Stressed kasi dahil nahanap ko na po ang lalaking magpapasakit ng ulo ko at magpapadami ng wrinkles ko. Hahahaha. 😋😤😲 My second reason for smiling is my niece. I fetch her at her play school. I attended their weekly meeting. Onting kembot na lang may grade 1 nanaman kami. 😵😵😵 Goshnesss! I met some of her classmates and their mommies. Ansaya lang kasi makikita mo ung masasayang faces nung mga bata. Genuine ung mga smiles nila at halatang walang kaproble-problema. I miss being a kid. Hahaha. 😇😁😩 After school we headed to Masinag to run for some errands. We decided to buy smidgets. Ung maliliit na doughnuts sa dunkin ah (mas yummy ang dunkin kesa mister). Di ko na nakuhanan coz we're eating it while walking. Awkward lang na kuhanan pa eh nasa kalagitnaan pa kami ng parking lot ng Masinag.  Then we went home. Dito kami sa bahay nagbonding pa ng nagbonding. We played luto-lutuan and bahay-bahayan pa. Tas kulitan then had our dinner tas dumating na si mommy galing from nowhere. Actually, di ko talaga alam kung saan siya rumampa. Hinayaan ko na lang.

Lastly, maganda pa din ako. I think therefore I am --Rene Descartes™


 The day has already ended but my thoughts are still on the go. Pero kelangan ho ng beauty rest kaya awat na po muna. 

Frixy Nicolas, signing off. Goodnight! 💋💋💋

0 comments: