skip to main |
skip to sidebar
Yung
mahal ka pa din niya kahit nagka-pimples ka o tumaba ka. Yung tanggap
ka kung ano at sino ka. Yung kayang pakisamahan ang moodswings mo. Yung
lalambingin ka kapag galit o nagtatampo ka. Yung sasabihang korni ng mga
jokes mo, pero tumatawa pa din. Yung okay lang laitin nyo ang isat-isa,
lalaitin ka nya tapos gagantihan mo sya bilang kasama lang sa
pagbibiruan nyo. Yung kapag nag-walk out ka, susundan ka o kapag hindi
ka nakitang kasabay niya sa paglalakad, pupuntahan at sasabayan ka. Yung
pagbabawalan ka sa mga maling ginagawa mo. Yung magagalit kapag hindi
ka nakikinig sa mga tamang bagay na sinasabi nya. Yung taeng-tae makita
ka, at basahin at replyan mga texts mo. Yung taong nakatingin lang sayo,
may dumaan man sa harapan nya na mas, at higit sayo, ikaw at ikaw pa
din ang pinaka at tanging ikaw lang. Yung ipapakilala ka sa pamilya
nya. Yung pinagmamalaking ikaw ang mahal nya. Yung ikaw ang ginagawang
inspirasyon sa mga ginagawa nya. Yung gagawing tanga ang sarili nya
mapatawa ka lang. Yung mas mahal ka kaysa sa pride nya. Yung taong
mag-ssorry kahit hindi siya ang may kasalanan, matapos lang ang away.
Yung iintindihin ka at may napakahabang pasensya sayo. Yung taong hindi
magsasawa at mapapagod sa’yo.
Iyan ang taong dalisay, at tunay ang pagmamahal sayo.
0 comments:
Post a Comment