Ngayon ko lang narealize na di naman talaga maganda ung sobrang naghihigpit ka sa taong mahal mo. Kung ganun ka lang din ng ganun, there will come to a point na baka masakal siya sayo. Mahal ka niya pero baka dumating ung certain point na kelangan niyang kumalas kasi di na siya nakakahinga. For me, mabuti at maaga ko siyang narealize at di na ako dumating pa sa puntong un. Grateful ako sa mga taong tumulong sakin para malaman ko na ginagawa ko nang kamay na bakal ung paghandle ko sa relationship ko with my boyfriend. Natauhan din ako. Masyado akong nagtake advantage sa relasyon namin. Itinanim ko kasi na di siya susuko dahil alam kong mahal niya nga ako. Sobra akong naghihinala kahit na minsan na dinadaan ko un sa biro, di rin pala maganda un. Masyado akong naging selosa all through out our relationship. Bakit? Ayoko lang kasing maulit ung nangyari samin nung bago nagsimula ung kami. NaTrauma na siguro ako sa nangyari na un. Inamin ko naman na sa kanya na simula nang nangyari sami un MEJO nabawasan na ung tiwala ko sa kanya. Kung dati na 100% ngayon 80% na lang PERO IT DOESN'T MEAN NA DI KO NA SIYA MAHAL. Bakit? Kasi nga parang nagkaroon na ako ng trauma. Kumbaga, ung kasabihan nga na pag nasira ung tiwala na binigay mo sa tao, di na ganun kadaling ibalik un dahil after that lagi nang may paghihinala. Lahat ng yan narealize ko na. WALANG KAHIHINATNAN ANG SELOS. I just wanted to start everything right. Kaya un, nagsorry na ako sa kanya. Sobrang pinagsisisihan ko na ung mga nagawa ko sa kanya. At there he goes, pinatawad niya ako. MAhal nga kasi niya ako. PANIS KA!~ Grabe akong makapagsalita ng childish sa ibang tao yet ako mismo meron din namang mga childish acts na ginagawa.
Gusto ko na talagang mawala to sakin. I want to be the best partner he had ever had. Di ko man mapantayan ni mahigitan ung mga taong minsan na niyang nakasama, gusto ko lang na sa kabila nun mas may iaangat pa din ako sa kanilang lahat. OH~ Hulaan mo kung ano? HULAAN MOOOOOO!~ Seriously, I want this relationship to lasts. Sobrang thankful ako na habang tumatagal mas lalo kaming tumitibay. Rock on!~ \m/ Though he never been the richest person here on earth, kagaya nga ng sinabi niya sakin: di ko naman habol ung luho na kayang ibigay mo sakin. Mahal na mahal kita. Kagabi nga, nagulat talaga siya sa reaction ko nung magpaalam siya sakin na sashot sila ng papa at kapatid niya. Akala niya magagalit ako. HAHA. Sabi ko nga sa kanya, nagbago na ako. Alam ko na na alam mo ung mga bagay na magpapatibay at magpapasira ng relasyon natin. It's up to you kung pano mo papahalagahan ung tiwala na hinayaan ko na pangalagaan mo. Buong-buo na ulit akong nagtitiwala sa kanya. Masaya akong malaman na nakikitaan na niya ako............
nakikitaan na niya ako ng pagbabago. ISIPMO!~ HAHA.. Isa na lng talaga ang di ako magsasawang sabihin sa kanya.
Thursday, August 9, 2012
Isip isip lang...
Posted by FRIXY at Thursday, August 09, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment