Fuckshit lang talaga. Bakit ba kasi nasasaktan ako sa sarili kong paninindigan?
Ewan ko ba kung bakit? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang is kelangan kong panindigan ung dapat na gusto ko. Kahit nasasaktan ako. SHIT. Martir na kung martir. Sabi nga nung iba, love like you've never been loved before. Minsan lang dumating ung pagkakataon na un kaya kelangan mo 'tong ienjoy. Pero I think it's the other way around, naeenjoy ko ba talaga lahat? It may seem na ok lang lahat sakin. TEKA? Ok lang ba talaga un para sakin? HINDI! Pamura nga lang po.
TANGINA NGA KASI EH.
Gusto kong isigaw sa muka niya na nasasaktan ako, na di naman talaga approve sakin ung mga bagay bagay na un, na nagseselos ako, na nagagalit ako, naasar ako, nagtatampo ako. Pero lahat ng un hindi ko magawa. BAKIT? Kasi nga hiningi niya un eh, kinailangan niya un. Kagaya nga ng paulit ulit kong sinasabi ayaw ko lang na masakal at mawala siya. Di ko na talaga makakaya pag nawala pa ulit siya.
Siguro di pa lang ako sanay. Nagsisimula pa lang naman kasi ako, diba? Un ung pilit kong isinisiksik sa bawat sulok ng utak ko. I want to be optimistic in everything that I do. Yan kasi ung natutunan ko sa realidad ng buhay. Kaya ko to. Pagsubok lang saming dalawa to. KAKAYANIN NAMIN TO.
PERO....
I keep on wondering at night bakit parang di ko na kilala ung dating ako? Gusto kong sabihin sa sarili ko na ANG PLASTIC KO, IPOKRITA AKO! Di ko na kasi alam ung dapat na nararamdaman ko sa mga sitwasyon sa ngayon eh. Kapag may nagtatanong sige lang ako sa sagot na OO OK AKO pero hindi naman talaga eh. Wala naman akong choice kundi un ung sabihin eh. Ayoko na kasing maurirat pa ung nararamdaman ko. Pag kasi nahihimay pa ung details nun mas lalo akong nasasaktan.Napapaisip ako minsan, AKO BA TALAGA TOH? Bakit hindi man lang ako nagalit which is normal naman sakin pag di ko nagugustuhan ung nangyayari. Minsan naman bakit hindi ko naman pinapakita na nagagalit talaga ako. POKERFACE ako? POOOTEEEEK!~ Hate it!. anchaka!
Sabi niya nga...
Kilala kita! Kahit na binubungadan mo ako ng ngiti alam ko deep inside alam kong nagagalit ka, nagtatampo ka na hindi naman talaga aprubado sayo alam kong kabaligtaran ung pinapakita mo sakin.
Kilala mo nga talaga ako, mahal. Kilalang kilala mo na nga ako. Alam mo ung mga weaknesses at strengths ko. Pero kung talagang mahal mo ako di mo na gagawin ung alam mo naman na ikakatampo at ikakagalit ko, diba? Kahit pa na alam mong binubungad ko pa din ay isang malupit na ngiti sabay tango ko.
AT AYAN!..
Mejo na enlightened na rin ako sa nararamdaman ko. Nakakatulong talaga ung Blog ko na to para maexpress ko ung nararamdaman ko. Kahit papano naipapahayag ko kaninum ang makabasa nito ang nararamdaman ko. Namimiss ko na kasi ung bestfriend ko na di na talaga nagpaparamdam sakin.
At sa huli..
Siya at siya pa din ung minahal, minamahal at mamahalin ko hanggang sa huli. At isang kiss at lambing lang niya solve na ako dun. As long as I can feel his sincerity.
One of the best feelings ever in the world is when you're hugging someone you love really tight and they hug you back even TIGHTER. ♥
0 comments:
Post a Comment