BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Thursday, February 9, 2012

I'm afraid that if somebody else's catches your attention , you'll ignore me. Even worse, you'll replace me.

That's it. Reality sucks. Hanggang ngayon may takot pa din akong mawala ka at maagaw ng iba. Pano na lang pag bumalik si Karen?Iniisip ko kasi na ung interval ng time ng pagpapaalam niya sayo para magaral ay matatapos na. Pano na lang kung bigla siyang sumulpot? Pano na lang pag may makita ka na higit sakin. pano na lang pag magsawa ka? Pano na lang? Pano na lang ako? I know my insecurities will eat me alive. Di ko naman kasi maiiwasan na hindi maliitin ang sarili ko lalo pag nararamdaman ko na ikinukumpara mo ako sa mga nakaraan mo. Sa mga babaeng nakakahalubilo mo. Sa mga taong nakapaligid sayo. Alam ko namang mas higit sila sa kung ano ako. At alam ko naman na wala akong binatbat sa kanila. Ang tanging ko lang mapagmamalaki ay mas mapapatunayan ko ung pagmamahal ko na higit sa kanila. Kung sa takot lang, takot talaga ako sa pagkawala mo? Pangako ko sa sarili ko na I will do everything to make our relationship lasts. And I pray to God na wag kang maging vulnerable sa mga tukso na laging pumapaligid satin at gusto tayong wasakin. Nawa mismo sa sarili mo na ayaw mo din na mauwi sa wala lahat ng mga pinapangarap natin, ng mga pinaplano natin. Though nasasaktan ako minsan sa mga gawa mong  alam ko naman na di mo sinasadya, I'm still holding on to you. Alam ko kasi maiiwasan natin lahat ng ito. Together, we willl overcome all this obstacles that come our way. At kung talagang plano mong mag-Qatar, di na kita para pigilan. Isa kasi un sa mga alam kong magpapatatag satin. Pero di mawawala sa isip ko na mas mapapalapit ka sa tukso pag nangibang bansa ka. Ayaw ko naman na ako ang maging dahilan ng di mo pagtupad sa pangarap mo na mag-abroad. Ang akin lang eh, pano pag nahomesick ka? Pano pag may nagkagusto sayo dun at magkagustuhan kayo? Pano na lang ako na nagiintay sayo dito sa pilipinas. Magiintay ba ako sa wala? Honestly, di talaga ako payag sa plano mong mag-abroad. Gusto ko dito ka lang. Nakikita kita whenever and wherever I wanted to. Gusto ko lagi kitang kasama, lagi kitang nakikita. Dun ako sigurado na kahit papano nalalayo kita sa tukso na pwedeng lumapit sayo. This is how much I love you, babe. AYOKONG MAWALA KA!. That's it. Un lang naman talaga ung kinakatakot ko. Ang maiwan mo akong nagiisa. I never ever claimed na darating ung araw na gigising ako na wala ng babati sakin sa umaga at wala ng kikiss sakin ng goodnight. I'm afraid to be left hanging. Kaya AL, kapit lang ah.



Mahalin mo lang talaga ako ng konti, ako na ang bahalang magparami. Promise me that we will face everything with our heart and souls together. Kayakayanin natin lahat. Puputi pa ung buhok natin ng magkasama. Magpapalahi pa tayong dalawa. HA? HA? HA?

0 comments: