BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Wednesday, August 24, 2011

Random thoughts

Alam mo yung nag-aaway kayo ng sobra-sobra. Yung may combo na ng sigawan, mga tumutulong uhog at luha at nagpapalitan na ng masasakit na salita? Yung kumbaga parang gusto mo nang umalis sa kinalalagyan mo. Gusto mo mag-walk out dahil sobra na at sobrang sakit na. Tapos habang nagsasalita ka, bigla-bigla siyang sasabat.
Ako: Ano? Sa tingin mo pagkatapos kong ibigay halos lahat sa’yo, kaya kong umalis ng ganun lang? Sa tingin mo di kita ganun kamahal at kaya kitang iwan? Sa tingin mo, sa lahat ng…
Siya: I love you!
Ako:

















I love you too!
Yung kumbaga, marinig mo lang talaga mula sa kanya yung mga salitang “Mahal kita.” “Wag na tayo mag-away dahil di ko kaya.” “I love you.”, mawawala lahat ng galit mo. Mawawala lahat ng sama ng loob. Yung ikaw na umiiyak, magiging ikaw na kikiligin sabay ngingiti.

0 comments: