For short, wag kang papayag na maging second choice. Ay hindi. Joke yun. Wag mong hayaan ang sarili mo na maging option ka lang. Wag kang maging spare tire. Dahil umaasa ka lang talaga sa wala. Kung sinasabi nyang gusto ka nya, edi sana matagal na nyang iniwan syota nya, tama ba? Na sana ikaw ang kinakasama nya ngayon. Wag kang tanga. Wag mong ipilit ang sarili mo sa hindi tama. At wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman kayang iprioritize. Dahil kung ipipilit mo sarili mo’t magpapaka-martyr ka, edi ikaw at ikaw din masasaktan. Tapos magrereklamo ka na ang sakit sakit na. Eh wala na siyang magagawa dun. Pinipilit mo pa sarili mo eh. Ikaw din gumagawa ng sarili mong dahilan para masaktan ka. Common sense lang ‘yan. Why would you settle with someone na hindi ka kayang ipaglaban at mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanila kung pwede ka namang magmahal ng taong tatanggapin ka ng buong buo at wala pang kahati. Kung ang sasabihin mo sa akin, eh kasi nga mahal mo at di mo naman kaya na iwan siya, eh tanga ka talaga. Oo na. Mahal mo nga siya. Pero dapat kasi mas mahal mo sarili mo. Maging praktikal ka. Hindi yung puro puso pinapairal mo. Para saan pa ang utak mo, diba? Ibenta mo nalang yan kung hindi mo rin lang gagamitin. Nakalagay sa karatula “UTAK FOR SALE. SECOND HAND BUT SLIGHTLY USED.”. Maraming bibili nyan at gagamitin kung kelan dapat gamitin. Ikaw na tao, ikaw na may utak, gamitin mo yan. Yung puso mo oh, masyado nang laspag. Pagpahingahin mo muna.
Thursday, April 21, 2011
Wag mong hayaang maging spare tire ka lang sa taong mahal mo.
Posted by FRIXY at Thursday, April 21, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment