Saturday, April 30, 2011
Ang matinong lalake hindi namimili ng babaeng maganda lang sa pisikal. Namimili sya ng babaeng maganda ang kalooban. Kung pareho, edi jackpot!
Posted by FRIXY at Saturday, April 30, 2011 0 comments
Of course I talk to myself. I need intelligent conversation every now and again.
PALAGGSSSSS??
Posted by FRIXY at Saturday, April 30, 2011 0 comments
Ang pride, parang panty, hangga’t di binababa, walang mangyayari.
Posted by FRIXY at Saturday, April 30, 2011 0 comments
Wednesday, April 27, 2011
noon, wala kang paki
ngayon tumigil na ako sayo, ikaw naman tong lumalapit.
bakit?
dahil ba mahal no na ako? o di ka na niya gusto?
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
I am my father's princess
but after a while I'm gonna be your queen.
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
Dadaan pa ba ako sa inyo o didiretso na ako sa puso mo?
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
Mas nakakatuwa ung taong nageefort para mapansin ko siya. Kesa sa taong halos walang pakielam kasi kampante siyang mahal ko siya.
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
Definitions of LOVE (by age)
CHILDREN
- (n.) gross eew eew eew.
- (n.) perfect, amazing, beautiful, just plain awesome, the tears on your pillow, the outbursts of laughter in the middle of the class, friendship set on fire, like a war between your head and heart, both your enemy and your best friend, what makes you keep going back to him, pain and happiness at the same time, you. you you you.
- (n.) a strong emotional and physical attraction towards another person.
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
HAPPINESS ♥
I was sitting next to my mom when my phone beeped. I thought SunCellular thing nanaman but I was wrong. Galing pala kay manong ung message na un. Unexpected cause ang buong akala ko ay expired na ung 7days unlimited text niya. Our conversation goes like this:
*****
SIYA: panget!
AKO: oh? akala ko expired ka na?
SIYA: anong expired na ako? baka ung load ko sa sun ung expired ma. Grabe naman un panget. Matagal tagal pang maeexpire to ma. HAHAHA.
AKO: pilosopo ay! I thought hanggang this morning lang yan.
SIYA: oo nga. Ano ba sabe ko sayo diba mga 12 something pa to. Ano ba ayaw mo na ba akong makatext pa at parang nagmamadali ka ha.
AKO: di naman. nagulat lang ako. di ko pa nga pinansin ung phone ko nung tumunog akala ko SunCellular thing lang.
SIYA: diba nga kase naging issue na natin to kagabe pa bago ako mag'in. Kinakalimutan mo naman kase.
AKO: sorry na!
SIYA: eh kase naman kase ehhhh. lika nga dito! walang sorry sorry noh!. HEHE.
AKO: mukamo panget ka!
SIYA: oh bakit? tsktsktsk. HAHA. para naman matikman mo kung gano kasarap ung parusa ko. HAHA.
AKO: bakit ano ba yang parusa mo?
At jan ko tinatapos sa ngayon ang aking kwento. Di ko na para sabihin pa kung ano man ang parusa ng aking nobyo. HAHA. So un, I am loving every single day talking with him. Sabi nga nila " di nagkakasawaan ang mga tunay na nagmamhalan". Nasa inyo naman kasing dalawa un kung pano niyo bibigyang twist at spice ung relasyon niyong dalawa eh. Adventurous kasi kaming dalawa gusto namin laging may bago. Kung sa favorite mo ngnag ulam pag inaraw araw mo nakakasawa eh. syempre para maiwasan un dapat laging may twist.
I am happy to know that parehas kaming nageenjoy doing those things together. Araw araw laging may bago. Tas ansarap ding isipin na welcome na welcome siya sa family ko. Dito pa nga siya samin nag Holyweek eh.
Biruin mo kasundo niya lahat ng family members ko. I am very grateful that God gave him to me as a blessing. OO, blessing ko siyang maitututing. Bibihira na ung ganyang lalaki sa panahon ngayon. Kaya promise ko I'll do whatever it to takes para lang magstay siya hanggang dun sa dulo.
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
Walang babaeng masasaktan, kung tunay mo syang aalagaan.
Posted by FRIXY at Wednesday, April 27, 2011 0 comments
Friday, April 22, 2011
Malalaman mo lang nagmamahal ka na. Kapag nasasaktan ka na.
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Sana minsan maintindihan mo na kinakain lang ako ng selos at ng takot na baka isang araw, wala ka na sa’kin.
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Kung ako nalang kasi ang minahal mo, Edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan ngayon.
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Ang pag-ibig hindi parang ATM Machine na kuha ka lang ng kuha. MAG DEPOSIT KA NAMAN!
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Pagdating sa pag-ibig hindi ka na dapat nagtatanong. Sa bawat tanong kasi lalabas ang mga pag-aalinlangan mo hanggang sa kung anu-anong takot na ang pumasok sa isip mo at tuluyang makalimutan kung bakit tumibok ang puso mo para sa isang tao.
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Wala naman sa plano ko ang mahalin ka. Nagising nalang talaga kong isang araw mahal na kita.
Posted by FRIXY at Friday, April 22, 2011 0 comments
Thursday, April 21, 2011
I am spending my holy week with him.
We're now legally accepted by my family and friends.
SINCE: today, April 22, 2011.
Eh di kami na. I love you panget :*
Posted by FRIXY at Thursday, April 21, 2011 0 comments
Edukado akong tao.
Kausapin mo ako ng maayos, kakausapin din kita ng maayos. Pero kung sinimulan mo na akong bastusin, aba, tandaan mo, mas bastos bunganga ko sa’yo.
Posted by FRIXY at Thursday, April 21, 2011 0 comments
Wag mong hayaang maging spare tire ka lang sa taong mahal mo.
For short, wag kang papayag na maging second choice. Ay hindi. Joke yun. Wag mong hayaan ang sarili mo na maging option ka lang. Wag kang maging spare tire. Dahil umaasa ka lang talaga sa wala. Kung sinasabi nyang gusto ka nya, edi sana matagal na nyang iniwan syota nya, tama ba? Na sana ikaw ang kinakasama nya ngayon. Wag kang tanga. Wag mong ipilit ang sarili mo sa hindi tama. At wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman kayang iprioritize. Dahil kung ipipilit mo sarili mo’t magpapaka-martyr ka, edi ikaw at ikaw din masasaktan. Tapos magrereklamo ka na ang sakit sakit na. Eh wala na siyang magagawa dun. Pinipilit mo pa sarili mo eh. Ikaw din gumagawa ng sarili mong dahilan para masaktan ka. Common sense lang ‘yan. Why would you settle with someone na hindi ka kayang ipaglaban at mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanila kung pwede ka namang magmahal ng taong tatanggapin ka ng buong buo at wala pang kahati. Kung ang sasabihin mo sa akin, eh kasi nga mahal mo at di mo naman kaya na iwan siya, eh tanga ka talaga. Oo na. Mahal mo nga siya. Pero dapat kasi mas mahal mo sarili mo. Maging praktikal ka. Hindi yung puro puso pinapairal mo. Para saan pa ang utak mo, diba? Ibenta mo nalang yan kung hindi mo rin lang gagamitin. Nakalagay sa karatula “UTAK FOR SALE. SECOND HAND BUT SLIGHTLY USED.”. Maraming bibili nyan at gagamitin kung kelan dapat gamitin. Ikaw na tao, ikaw na may utak, gamitin mo yan. Yung puso mo oh, masyado nang laspag. Pagpahingahin mo muna.
Posted by FRIXY at Thursday, April 21, 2011 0 comments
Sunday, April 17, 2011
Maligayang kaarawan para sa akin
Gusto kong pasalamatan lahat ng taong bumati sakin sa napakaespesyal na araw ng buhay ko. Thank you for making my 18th birthday a memorable one.
- My Mom - thank you for making things possible. Di man naging ganun ka bongga ung birthday ko still, sobrang saya kasi kasama kita. Don't you worry ako pa rin ung nag-iisang bunso mong iyakin. I love you much Mom.
- Lord God- I am very grateful today for you've been very kind to me for the past 18 years of my life. I love you above all. Masaya akong isipin na maaga kitang nakilala at maaga kong natutunan kung sino ka nga talaga. I know that everything will work out just fine. Naging mapagbigay ka sakin for all those years. Never kang naging madamot kahit pa minsan sintigas ng bato ung kukote ko nagagawa mo pa din akong patawarin. Lahat ng to tinataas ko sa tanging pangalan mo Lord.
- Friends- sa kabila ng distansya sa pagitan ng bawat isa. di niyo parin nagawang makalimot. Thank you guys for everything. the laughter and the sorrows we once shared. Imma treasure it hanggang sa magulyanin ako.
- Buddies- I love you all guys. Kalahati ng buhay highschool ko ay kasama ko kayo. Di man naging maligaya ung pakikisama natin sa commandants natin still, naging matatag tayo sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng bawat isa sa atin. Pinatunayan nating " MY BUDDY IS MY BODY".
- Family- Di man tayo ganun kakumpleto ngayong araw nato. Appreciated ko pa rin ung presensiya niyo.
- Ruel Parraguirre Tiburcio- salamat sa effort na pinakita mo sakin kaninang 12am. Di ka talaga natulog para lang batiin ako sa pagsapit ng birthday ko. Di man bago sakin ung ganung effort, nagawa mo naman un in a way na nahanger ung ngiti ko hanggang batok. Leche kang lalaki ka you're really full of surprises. Di man nagawa ni lord na isilid ka isang kahon at itabi sa gilid ng cake ko masaya pa din ako. God gave you as a gift for me today. Promise iingatan kita, kumbaga handle with care. HAHAHA. I love you so much panget. I love also your message kanina which go like this:
Posted by FRIXY at Sunday, April 17, 2011 0 comments
Saturday, April 16, 2011
Pag sinabihan ka ng malandi, wag kang mag-react kaagad na para bang gumuho na lahat ng pagkatao mo.
Take it as a compliment and say thank you. Malay mo, inggit pala siya sa’yo dahil may guts kang lumandi, at siya wala.
Posted by FRIXY at Saturday, April 16, 2011 0 comments
Tuesday, April 12, 2011
akin ka na lang. ha?
isa sa pinakamasarap marinig mula sa taong mahal mo. :">
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Hindi naman kailangang madaliin ang mga bagay.
Kung talagang gusto nyo ang isa’t isa, hihintayin nyo yung tamang oras para sa inyo. At sa dami ng naging nobyo ko, natuto na ako. Ayoko nang pumayag sa pagmamadali at ayoko ring magmadali mismo. Gusto ko siyang kilalanin. Pero pangako ‘ko, sa susunod na magmahal ulit ko, sisiguraduhin kong sa kanya. At sa kanya lang. At pag ako nagbitaw ng salita, di ko binabawi.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Mga bagay na gusto kong maranasan kasama siya.
- Yung habang tumatawid kayo sa kalsada ng may nagraragasang kotse, hahawakan nya kamay mo.
- Yung pag humaharang yung buhok mo sa mukha mo, hahawiin nya.
- Yung pipisilin nya yung ilong mo kahit gaano pa ‘to kapango.
- Yung habang nagsasalita ka, mahuhuli mo nalang siyang hindi nakikinig sa’yo kasi tinititigan ka nya.
- Yung gugulatin ka nya mula sa likod gamit ang nakakakilig nyang yakap.
- Yung oras na pauwi na siya mula sa masaya nyong pinag-samahan, niyakap ka nya ng mahigpit. Nagpasalamat at hinalikan ka sa noo, sa ilong, at huli, sa labi.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
PSEUDO RELATIONSHIP
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
six senses of kissing:
- sense of smack.
- sense of torrid.
- sense of gigil.
- sense of hawak.
- sense of libog.
- abSENSE.
LOL.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Kasi kung talagang gusto mo akong kausapin, hahanap ka ng paraan.Hindi yung ako pa maghahanap ng paraan para mahagilap ka. Ano ka? Sineswerte? Tangina mo with many feelings.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Hindi lahat ng pag-iwas ay pagsisimula ng paglimot. May mga bagay lang na dapat pagsanayan muna bago mo tuluyang kalimutan siya.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Ang pagsuko ay di pagpapakita ng kahinaan, sadyang may mga bagay lang talaga na di na kayang gawan ng paraan kahit gaano mo pa gustong lumaban.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Huwag mong sadyain pagselosin ang mahal mo. Masama ito.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
I love you.
because when you hug me, I fit into your arms perfectly :)
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
I like dead end signs.
I think they're kind. they atleasthave the decency to let you know you're going nowhere.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Kung hindi ka masaya na single ka....
hindi ka rin sasaya pag taken ka na. Ang kaligayahan kasi galing yan sa sarili mo, at hindi sa lalaki.
Posted by FRIXY at Tuesday, April 12, 2011 0 comments
Friday, April 1, 2011
Masaya ako.
Di dahil un talaga ung nararamdaman ko.
Masaya ako kasi un ung dapat.
Posted by FRIXY at Friday, April 01, 2011 0 comments