BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Tuesday, March 15, 2011

late post (march 14, 2011) A DAY TO REMEMBER

I'm really happy to tell you guys that I already met panget (Ruel Paraguire Tiburcio) last sunday (march 14).
MEETING PLACE: Marikina river Park
TIME: 3 PM sharp!
ATTIRE: most decent clothes di pwede jejemon


And to tell you frankly, napatunganga ako sa aking nakita. He has the looks pare. WOW ah~. He's maputi, may kissable red lips, perfect chinito eyes. Parang boy-next-door ung dating.  He is really a package deal for me .Why? Akin na lang un. :)

We started talking at 3 in the afternoon and end up giggling at around 9 in the evening. Ansaya kaya. Biruan over here and tawanan over there. Ang cool nga nung tandem namin eh. Makulit at kalog na nanakit in a way na may lambing pa din. Then before kami tumambay bumili muna kami ng snacks sa SAVE MORE. Our snacks was Tomi and C2 for me; Nova and Red Horse for him. Tas un, kahit sa pagpili ng snacks nagtatalo pa din kami hanggang sa pagbabayad sa counter. At dahil nagkwekwentuhan kami, puro drinks lang ung naubos namin buti na lang nanalo ako sa argurment namin, na tama na muna ung bilhin baka di lang namin ubisin and di nga ako nagkamali.

Ang pinakamasaklap lang sa lahat ay ung part na tumutitig ung itik na un. You read it right. Ung pinaka ayaw ko na ginagawa sakin ay ginawa niya. And it was like. OH COME ON~  He keeps on staring at me and I can't help but to notice him. Ang awkward kaya ng scenario pag ganun. Pero honestly, nag-enjoy talaga ako just by sitting right next to him. Di naman halatang nagenjoy ako dahil inabot ako ng 9 ng gabi at umuwi ng may nakahanger na ngiti na hanggang batok pa. So un, ang kulit talaga ng bonding namin. It's like we've known each other for years. Parang nawala sa vocabulary namin ung salitang STRANGERS. Di ko na nga nabilang kung gano kadami ung sampal na may halong pagmamahal ang inabot ko sa kanya, ilang yakap ang nagawa niya sakin, ilang haplos sa muka at sa buhok ang ginawa niya, ilang tulak sabay hila moments, ilang pangaasar na banat sa gitna ng tawanan. Sabi niya nga sakin "HABANG TUMATAGAL GUSTO KO PANG TUMAGAL".


After that bonding with him, muli kong naranasan ang mga sumusunod:

  • umuwi ng bahay na may hanggang batok na ngiti.
  • 30 mins na nagbibihis na paikot-ikot na parang kiti-kiti. At higit sa lahat.
  • nakahiga nga pero di naman dalawin ng antok.

What the fuck!~  Ano na nangyayari sakin? Di pwedeng mangyari ang lahat ng un ng ganun kabilis. Bakit ang parang ng bilis?. With just a snap. BANG~ Patay na. Wala na. GADD~

Ang nakalimutan lang namin na gawin ay kumuha ng picture together. OO!, ung kaming dalawa lang walang epal. Masyado kaming nagenjoy sa magkwentuhan at magasaran.

Ibibida ko talaga ung panget niyang muka dito sa blog ko. Proud ako sa physical features ng itik na un. PANALO~

"Kung sa tinggin mo may kulang sayo, i-check mo baka nawawala ako"

0 comments: