Bigla lang pumasok sa isipan ko na kaya siguro ako nagkakaganito (nagkakandarapa sa nobyo ko) ay dahil sa kadahilanang wala akong ibang mapagtuunan ng pansin maliban sa kanya. Kasi nga wala akong ginagawa buong araw kundi ang isipin siya at isipin lang siya kaya siguro humantong na ako sa kahibangan na ito. Kahit alam kong nasasaktan na ako sa mga kilos niya bakit parang ang hirap hirap pa din niyang talikuran. Bakit natatakot akong makita siya na may kasama at kalandian na iba. Matagal ko ng narealize na masayado na akong nahihirapan sa aming dalawa pero bakit hanggang ngayon siya at siya pa din?.
Nakakapagod lang kasing masaktan. Ayoko siyang bitawan pero parang iyon na ung hiningi ng pagkakataon. Sabi nga ng tito niya, "KUNG KAYO,KAYO WAG NIYO SANA MADALIIN ANG PANAHON" . Sa tuwing kakausapin ko siya sa mga bagay tungkol sa aming dalawa bakit parang ayaw niya akong pakawalan na lang basta. Kaya tuloy naiisip ko baka mahal din ako ng gagong to, un nga lang di halata. Eh putang ina naman kasi ng animal na un eh, di niya alam ang salitang TIWALA. Sa walong buwan namin wala siyang ibang pinagkatiwalaan kundi ang sarili niya lang. Sarili niya lang ang alam niyang tutulong at makakatulong sa kanya. Sinasarili niya lahat ng problema niya. Di niya pinapakita ung totoong nararamdaman niya dahil ayaw niyang maging mahina sa mata ng iba. Tuloy, ako ang nahihirapan sa aming dalawa. Di naman sa nagrereklamo ako, ang akin lang di ko man siya matulungan ng sobra-sobra sa mga problema niya sa buhay, handa naman akong makinig sa lahat ng hinaing niya sa mundo eh. kasi nga tayo, kasi nga mahal kita, kasi nga buhay kita. SHARE THE JOY, HALF THE SORROW nga tayong dalawa diba?
Pero dahil ayokong lumabas na makulit. hinahayaan ko na lang siya na kusa ng lumapit sa akin. At expected na lagi naman akong andito with open arms. kagaya noong November 19, 2010 gabi, bigla na lang siyang tumawag sa akin ng lasing na lasing. Sobrang saya ko noon kasi out of nowhere tumawag na lang siya bigla ulit-uliting sabihin how much he loves me, how much he's willing to be there for me, how much he truly cares, and how badly he wants me to be his wife and the mother of his kids. Sino bang di kikiligin dun. Sabi nga nila, masarap daw kausapin ang lasing kasi dun sila nagiging matapang harapin ang totoo at dun talaga sila nagiging totoo. ganun din ang nangyari nung December 17, 2010, which is their scheduled christmas party at expected na din na may inuman na magaganap. Buong araw niya akong tinawag up until the afternoon of December 18, 2010. Lagi niyang pinauulit-ulit na mahal na mahal niya ako at kung gaano niya na niya gustong bumuo kami ng pamilya which is a big no no pa sa aming dalawa.
WHY?
- eh kasi nga, I'm only 17 and still need to focus on my studies and carreer.
- kailangan pa niyang mag-ipon. Galing na sa kanya ang salitang mag-ipon. gusto daw muna niyang maging financially stable bago lumagay sa tahimik at dun manirahan sa Capiz.
Sino bang di maloloka na ung kaisa-isang lalaking pinakamamahal mo binubuo na ung mga pangarap niya ng kasama ka?
lalaban at lalaban kami hanggang sa huli. ipaglalaban namin ang dapat ay sa amin.
We'll just keep on running from tomorrow with our lips locked. we'll do everything to make this till the end.
I Love You Jr Solano Barredo :)
0 comments:
Post a Comment