Saturday, February 5, 2011
May mga bagay talagang hindi nakalaan o nakatadhana para sa’yo. Kahit naghihintayan kayo pero kung patutunguhan din naman nun ay sa wala, mas mabuti pa ngang wag na lang kayo umasa. Pero bakit mo iniisip ang hinaharap kung wala pa nga kayong nasisimulan ngayon? Kapag totoong nagmamahal ka, wala kang dahilan, kundisyon at basehan sapagkat kung totoo kang nagmamahal, handa kang sumugal para sa kanya at hindi ang kapakanan mo. Wala kang iniisip na iba kundi kung paano kayo magsasama at magsisimula dahil kapag nakasama mo na siya, doon pa lang papasok ang pag-aalala, pagpaplano para sa darating na hinahanarap at pagbuo ng mga pangarap ninyo.
Posted by FRIXY at Saturday, February 05, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment