Binigyan ako ng mga MATA
hindi para makakita ng hubad na katawan,
kundi para masilayan ang iyong mukha.
Binigyan ako ng mga TENGA
hindi para makarinig ng ungol ng kaligayahan,
kundi para marinig kung gaano mo ako kamahal.
Binigyan ako ng LABI
hindi para malapatan ng uhaw sa halik,
kundi para maramdaman ang iyong pagmamahal.
Binigyan ako ng ILONG
hindi para makaamoy ng pawisang katawan,
kundi para maamoy ang iyong bango.
Binigyan ako ng mga KAMAY
hindi para makahawak ng maseselang bahagi,
kundi para mahawakan ng mahigpit ang iyong palad.
Binigyan ako ng KATAWAN
hindi para tikman at pagsawaan,
kundi para ika’y may mayakap sa tuwing ika’y nalulumbay.
Binigyan ako ng PAKIRAMDAM.
hindi para madama ang nag iinit mong katawan,
kundi para maipadama ko sa’yo kung gaano kita kamahal.
Saturday, February 5, 2011
hubad na katotohanan.
Posted by FRIXY at Saturday, February 05, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment