BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 11, 2010

Siguro lang talaga, hindi ko naaappreciate ang mga nagagawa nya kaya naiisip ko ang mga naiisip ko. Hangga’t sa kaya, sige. Pero pag hindi na, tama na.




Hindi ko naman kasi masasabi na magiging maganda ang relationship namin. Oo, magkakaroon kami ng mga away pagdating sa mga pagkakaiba namin at tiwala, pero hangga’t sa tinatry naman nya lahat ng makakaya nya para hindi ako saktan, hindi ko siya iiwan. Kahit gaano pa kasakit ang mangyari.



Mahal ko siya.

Oo, madaming hadlang. Madaming may ayaw sa akin para sa kanya. Madami ring may ayaw sa kanya para sa akin. Madaming balakid sa relasyon namin. Pero hangga’t mahal namin ang isa’t isa, lalaban kami. Ika nga sa kanta ng Urbandub: “When all of the world says we won’t make it through, we’ll battle the world.”. Lalaban kami dahil hindi naman sila mahalaga. Ang mahalaga, kaming dalawa. Kung ayaw man nila ako para sa kanya, wala na akong magagawa dun. Ayaw nila eh. Yun ang opinyon nila. Pati narin sa mga may ayaw sa kanya para sakin, naipagtatanggol ko naman siya.



Siguro iniisip mo na puro salita lang ako dito. Pero hindi eh. Mahal ko talaga nobyo ko. Mahal na mahal. At kahit man maghiwalay kami? Mahal ko parin siya. Hindi mawawala yun. Nakatatak na siya sa puso ko.



Carry mo?

0 comments: