Napapahawak parin ako sa cellphone ko. Napupunta sa “Create message” at sabay pindot ng:
Uy. I miss you. Magtext ka naman na. Nagmumukha na akong tanga na kakatingin sa screen ng cellphone ko every 5 minutes, every 10 seconds. Ganyan na ba ako kawalang importansya sa’yo? Eto na nga lang yung tanging paraan para ikaw naman ang maghabol sa akin, kasi ako sawang-sawa na sa kakahabol. Pero wala ka namang ginagawa. Ikamamatay mo ba ang pagtext man lang ng namimiss mo na ako at magtext na ako? Ano ba? Mahal mo ba talaga ako? Importante ba talaga ako? Kung oo, sana iparamdam mo naman. Namamanhid na ako kakahintay. Wag mong hintaying dumating yung araw na mapapagod nalang ako. Kung ikaw, pagod na pagod na sa mga pagdadrama ko, pagod na pagod na sa mga expectations, sana isipin mo rin na hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa’yo. Matutuwa pa ako kung sinusubukan mo eh. Kaso hindi. Hindi mo sinusubukan. Wala namang mawawala eh. Para masaya narin ako. Try mo.
Sabay “Clear field” or “Delete”.
Naduduwag ako eh. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot nanaman ako na baka sabihin mong nahihirapan ka nanaman ng dahil sakin. Dahil sa mga expectations ko. Sasabihin mo nanaman hindi ko naaappreciate yung maliliit na bagay na ginagawa mo para sakin. Eh, di ko naman kasalanan kung nagkukulang diba? Hindi ko kasalanan kung minsan napapaisip nalang ako na sana katulad ka nila. Kasi ganyan kita minahal. At ayokong magbago ka. Oo, inaamin ko kahit anung pilit ko sa sarili ko na dapat inaappreciate kita, anung iaappreciate ko? Kung wala ka namang ginagawa.
Ayoko na nga magsalita. Bwisit.
Saturday, December 4, 2010
Minsan kahit gusto kong magmatigas…
Posted by FRIXY at Saturday, December 04, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment