■Pakiramdam ko nagsasawa ka na sakin.
■Pakiramdam ko may iba ka nang mahal.
■Pakiramdam ko wala na akong kwentang kausap pag kausap mo ko.
■Pakiramdam ko wala na kong halaga sayo.
■Pakiramdam ko ayos lang sayo kahit mawala ako.
■Pakiramdam ko hindi na ko karapat-dapat para sayo.
■Pakiramdam ko ang boring ko nang girlfriend.
■Nagseselos ako sa ex mo.
■Nanahimik lang ako pag nakikita ko yung mga malagkit mong tingin sakanya tuwing nakikita natin sya.
■Gusto kitang kausapin ngunit hindi ko magawa sapagkat magaaway lang tayo.
■Madami nang nagbago. Hindi mo lang talaga alam.
■Gusto kitang itulak palayo, pero natatakot akong di ka bumalik.
■Lahat ng bagay na ginagawa ko ay may dahilan. Dahilang hindi mo maiintindihan at hindi mo iintindihin.
■Ang bigat bigat sa pakiramdam na isiping wala akong maisip na gawin para bumalik ang lahat sa dati.
■Hindi man ikaw yung nangiwan, matagal ko nang naramdamang iniwan mo na ko kahit di mo man ito sinasabi.
Wednesday, December 8, 2010
Mga nararamdaman kong hindi mo alam. :l
Posted by FRIXY at Wednesday, December 08, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment