pasensya na kung masyado kong pinagbibigyang importansya ang buhay pag-ibig ko ngayon. minsan lang kasi dumating ang ganitong pagkakataon na ung pakiramdam mo ay siguradong sigurado ka na sa kanya. siguro wala pa ako sa tamang edad para isipin un pero nararamdaman ko. ito kasi ung istasyon ng buhay ko na seryoso na talaga ako. tapos na ako dun sa takbo ng buhay na naglalaro lang ako sa buhay pag-ibig. matapos din kasi ang medyo matagal na buhay single, dumating siya. mahirap pakawalan diba?. mahirap pakawalan ung nagbibigay ligaya sayo ng walang katulad. masarap ung pakiramdam ng may nagpapahalaga sayo hindi lang sa aspeto ng pamilya at kaibigan diba?
Sunday, December 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment