BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 11, 2010

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi maintindihan ang mga dapat intindihin pagdating sa isang relasyon. Hindi kasi dapat inilalagay na number one priority ang kasintahan sapagkat hindi mo rin maaasahan na ikaw ang number one priority nya. Lagi nating tandaan; HINDI LANG SA INYO UMIIKOT ANG MUNDO AT HINDI LANG KAYO ANG TAO DITO. Madami pa kayong dapat na gawin imbes na lagi nalang kayong dalawa ang magkasama, dahil sooner or later, mararamdaman nyang nasasakal na siya. You should learn to give space. Sabi nga nila, ang isang karelasyon siya ang nagsisilbing additional happiness mo sa buhay. Hindi mo kinakailangang i-give up o bitawan ang lahat ng nagpapasaya sa iyo dahil alam mong siya nalang ang happiness mo. Oo, nakaka-flatter ang magsacrifice ng isang bagay para sa taong mahal mo pero wag kang magsisi sa huli, kasi desisyon mo yan. Wala siyang hininging pag-sasacrifice. Kusa kang nagsacrifice. Wag mong ipagmukhaan sa kanya ang pagsisisi mo. Dapat simula palang, inisip mo na hindi naman lahat ng relasyon lalo na sa edad ninyo, e magtatagal. Dapat inisip mo na na ang consequences. Wag mong paikutin sa kanya ang mundo mo at mag-expect na umikot din ang mundo nya sa’yo. Lalo na ito. Wag na wag mong papapiliin ang kasintahan mo. Friends over you? Tanga. Malamang kaibigan ang pipiliin nyan. Ang kaibigan, pag wala ka at sinaktan mo, kanino tumatakbo? Sa kaibigan. Pag ang isang karelasyon nagsimula nang papiliin ka sa mga bagay-bagay, yun na ang tamang panahon para pag-isipan mo kung ipagpapatuloy mo pa ba ang relasyon nyo o hindi. Dahil hindi ka na nya naiintindihan. And a relationship needs understanding.

0 comments: