BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Sunday, December 5, 2010

Eksena sa classroom namin dati

•Kapag umaga, sarisariling kwento. Kwento dito kwento doon. Parang ang tagal di nagkita.


•Morning routine, magpapakabanal yung iba.

•Kapag recess, sarisariling bili sa baba, tapos aakyat yung pagkain sa classroom kahit bawal. Malapit lang canteen namin sa classroom namin, isang lakad lang nandun na yung stairs pababa papuntang canteen.
•Kapag PE class namin, pagkatapos nun asahan mo ng makakalanghap ng mabahong amoy. LOLJK. Asahan mo ng maiinitan ka, kasi naman yung apat na electric fan namin sa classroom, dagsang dagsa. Wala ng hangin. =))))

•Kapag physics time, aba ang tahimik. Nakakabingi. Hahaha. Yung iba kasi natutulog. Boring daw magturo yung teacher namin ehh. Kahit hnd naman. Kailangan ko lang talagang makinig.

•TLE class, all out party party. Kakaunti lang nakikinig sa teacher. Minsan nga eh, vinivideohan pa ng mga kaklase namin yung teacher namin sa TLE.

•Kapag naman may practice/ group work, Sigaw sito, sigaw doon. Walang katapusang pagsasaway. Walang cooperation yung iba. Pro kahit papaano nananalo naman ang section namin.

0 comments: