BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 18, 2010

Break up.

Mahirap gumising sa umaga. Lalo’t masakit sa ulo dahil buong gabi kang umiiyak bago matulog. Sa sobrang pagod ng mata mo makakatulog ka na lang. Iniisip mo pa yung mga huli niyang sinabi bago niya sabihing “itigil na natin to.” Gumunaw saglit ang mundo mo.




Ang hirap no? Hindi mo alam kung paano mo sisimulan muli ang buhay ng wala siya. Magbabago ang lahat. Wala ng sweet na good morning na bubungad sayo, wala nang i love you at mga lambing. Wala ka na ding pagpapaalaman kung saan ka man pupunta.



Pero isipin mo, kung wala na talagang pag-asang ayusin ang nasira na bakit mo pa sasayangin ang oras di ba? Minsan dadating din sa punto na mas okay na magkaibigan na lang kayo dahil hindi nagwowork out kung magiging magnobyo kayo. May mga bagay na mas tatagal kung bibitawan mo. May mga bagay lang talagang hindi para sa’yo.

0 comments: