BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Wednesday, December 8, 2010

Bakit mo pa kinakailangang ihalintulad ang ngayon sa noon?

Hindi mo ba naiintindihan na iba na? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang sinasabi nilang “pagkukumpara”? Lalo na kung kinukumpara mo siya sa dati mong iniibig, aba’y hindi yun maganda. Kung nasanay ka sa dati, wag kang maghanap ng magpapatuloy ng kasanayan mo, pero humanap ka ng taong magdadagdag pa dito. Wag kang maghanap ng taong mamahalin para lang makalimutan ang sakit sa dati, kung naghahanap ka ng panakip butas, e panty ang hanap mo. Hindi tao. Magising ka sa katotohanan na hindi na maibabalik ang lahat sa dati sapagkat masyado nang maraming salitang nabitawan. Matutong makuntento sa kung ano meron ngayon, dahil ngayon lang yan. Malay mo, bukas, wala ka nang mapapala dahil nagsawa na siya sa kakapagkumpara mo sa kanya at dati mong kinakasama.

0 comments: