BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, December 4, 2010

Alam mo kung ano ang masakit?

Yun yung ang saya-saya nyo lang kahapon, pagdating ngayon biglang nawala lahat. Kumbaga, nagbago nalang siya ng hindi mo nalalaman. Hindi mo alam kung anung problema. Hindi mo alam kung ano ang dahilan. Nagmumukha ka nang tanga na umiiyak sa sulok ng kwarto mo, naghihintay ng text na magsasabi ng dahilan kung ba’t bigla nalang nawala yung spark ng relasyon nyo.




Mas maganda naman kasi kung sinasabi yung problema diba? Hindi yung paligoy-ligoy. Kasi kung pumupunta lang rin sa iba’t ibang direksyon, aba’y tatamarin akong sundan yang mga pinupuntahan ng mga salita mo.



Ang bilis mo magbago.

Ang bilis mo magsawa.

Putangina.

0 comments: