ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kamahal ng aking nakatatandang kapatid. lagi pala niyang iniisip ang aking kapakanan. nakatulong ang pananabunot, tula, kaladkad, at hampas niya sa akin para matauhan ako. alam ko na ang tangi lang niyang kagustuhan ay mapabuti ako at di mapariwara. ginawa at ginagawa niya ang lahat para lang mapalaki niya ako ng maayos (na dapat sana ay magulang namin ang gumagawa).tanggap ko ang lahat ng ito.
isa lang ang di ko matanggap. ang papiliin niya ako.
siya o aking nobyo
napakahirap para sa akin ang pumili. mahalaga siya sa akin gayundin naman ang aking nobyo na isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha kong ngumiti kahit na sangkaterba na ang problema.
sadya talagang mahirap balansihen ang pamilya ay pakikipagrelasyon. marami ka dapat isakripisyo, marami kang masasagasaan, marami kang masasaktan.
mahal ko ang pamilya ko => sa kanila ako humuhugot ng lakas sa pangaraw-araw.
mahal ko aking nobyo => sa kanya ako natutong lumaban kahit na patayan pa.
at higit sa lahat
mahal ko ang sarili ko => di bale na ako ang masaktan wag lang ang mga taong mahal ko.
Monday, November 29, 2010
unconditional love
Posted by FRIXY at Monday, November 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment