BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Saturday, November 13, 2010

sasakay ka kaya?

Iritang-irita talaga ko sa mga taong akala mo inarkila yung jeep. Nakakainis lang na wala silang sintido komon at walang konsiderasyon. Sila yung:

1. Naninigarilyo sa jeep kahit may sign na nga na “no smoking”. Minsan nga kung sino pa yung may katabing bata sya pa ang walang kapake-pakealam na ang usok nya e sinisinghot na nung isa.

2. Yung mga taong sobrang ingay mag-usap, kadalasan kung sino pa ang mga estudyante sila pa ang sobra mag-ingay, bukod sa pag-iingay nakukuha pa nilang maglandian at magtulakan, kala mo may party na nagaganap sa loob ng jeep at sila sila lang ang tao.

3. Yung mga mahilig mag-PDA, oo, public display of affection. Hindi ko alam kung bakit naiisipan nilang doon pa sa loob ng jeep maglandian, nakakapang-init ng ulo lalo na pagsiksikan na nga sa jeep, ang init-init pero tuloy pa din ang hipuan nila. Minsan nga nung may nakasabay akong grabe ang ginagawa gusto ko ng sabihang, “kuya ihiga mo na kaya?”

4. Yung mga babaeng ang hilig magpahaba ng buhok pero hindi man lang mag-ipit, walang pakealam sa buhok nila kung san na humahagupit. May mas malala pa dyan, yung mga babaeng hindi marunong gumamit ng twalya, sasakay ng jeep habang yung buhok e tumutulo pa. Sumasampal na nga sa mukha ng iba, may bonus na panghilamos pa.

5. Syempre hindi mawawala ang mga maniac, yun bang kunyare natutulog pero may talent sa panghihipo. Meron din naman na garapalan na sa pangmamaniac, kahit anung luwag ng upuan pag trip ka nyang sikuhin at siksikin, lagot ka, katawan mo na pala ang pakay nila.

6. Yung mga lalakeng kung makabukaka sa jeep e kala mo anlalaki ng dalahing itlog. Siksikan na nga at lahat, sa pagkakaupo yung pantalon e para ng mawawarat. Alam naman naming may itlog kayo pero bakit grabe naman ata kung ipagmalaki nyo?

7. Yung mga taong akala mo inarkila na ang buong jeep, madalas ito sa mga babae. Yun bang uupo ng nakatagilid para makasilip lang sa bintana. Nakakainis, lagi akong nagkakaroon ng ganang klaseng kasabay. Ansarap batukan at sabihing, “te? Jeep mo ba to? Try mo kaya magpa-upo!”

Yan ang mga klase ng taong dapat talaga bumili na ng sariling sasakyan. Pinapractice ang tamang asal at hindi kabastusan. K.

0 comments: