habang binubugbog ako ng aking pinakamamahal na ate, biglang pumasok si ina (lola) sa kwarto kung saan nagaganap ang mainit na tagpo.
ina: tama na yan lanie. itigil na yan. ano bang pwedeng idagdag pangulam natin? tama na ba ang repolyo at corned beef?
ate: (pahid ng luha at sipon) oo nay, tama na un tayo-tayo lang naman eh. para naman may sabaw ung anak ko.
ako: (pahid ngluha at sipon)
ina: osha sige, yen (referring to me) bumili ka ng corned beef, ung CDO guisado ha? jan na lang kay cita.
ako: opo (singhot)
ina: baka malingon ka kela lim. tignan mo kung may repolyo.
ate: bilisan mo. bumalik ka agad.
ina: ay si kulot na lang ang pabilhin ko. ng repolyo.oh ito pera yen
habang ako ay naglalakad papuntang tindahan nakita ko ang aking nobyo na nanunuod ng baskeball. di na ako nagaksaya ng panahon para makuha ang atensyon niya. tuloy-tuloy lang ako hanggang marating ko ang tindahan.
ako: corned beef nga po. ung CDO guisado.
kuya jerry: umiyak ka? sinong nagpaiyak sayo?bubugbugin ko.ha?
ako: umiyak ka jan. (ngiti) bakit ako iiyak?
kuya jerry: sino ba kasi nagpaiyak sayo?
ako: wala nga. (pagkakuha ko ng binili ko, sumibat na ako)
kuya jerry: yen, ok ka lang talaga ha?
oo ako na umiyak. plus kinilig pa.san ka pa :)
Monday, November 29, 2010
naalala ko lang bigla
Posted by FRIXY at Monday, November 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment