Hindi ko alam kung bakit ganito ka-active ang tear ducts ko para magbigay ng ganun karaming luha at hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang nagsasariling mundo ang utak ko na para bang bigla nalang magchechange topic ang mga workers ng brain cells ko.
Hindi ako nakatulog kagabi. 2am ako nakatulog dahil sa kakaisip ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung anung klaseng pag-iisip ang meron ako at naisip ko ang mga bagay na alam kong magpapalungkot akin. Kulang nalang, magpatugtog ako ng kanta ng Typecast, kumuha ng blade, at maglagay ng “cut here” sa aking pulso.
Ano nga bang problema, Frixy?
Masaya ako sa aking buhay pag-ibig, Oo. Pero minsan, napapaisip ako sa mga bagay na kadalasang ayoko sabihin sa aking nobyo bagamat subalit datapwat alam kong masasaktan siya. Pero hindi siya ang issue dito. AKO.
Minsan kasi, naisip ko. Paano kung pagkagising ko sa umaga, wala na siya. Paano kung pagkagising ko sa umaga, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil wala na ang taong mahal na mahal ko. Praning ako. Sadyang natatarirat sa mga bagay na hindi naman dapat problemahin at gawing malaking issue.
Siguro dahil sa ayaw ko lang mawala siya. Ayokong mawala ang taong nagpapasaya sa akin lagi. Gusto ko pang matupad ang mga pangakong ibinitaw namin sa isa’t isa.
Gusto ko siyang pakasalan. Gusto ko siyang maging ama ng aking mga anak. Gusto ko gumising araw-araw na makikitang katabi siya at bibigyan ng panimulang araw na halik kahit gaano kabaho ang hininga. Gusto ko siyang makatabi sa sofa, ng nakasuot lang ng aking panty at mag-channel surfing buong araw. Gusto kong maligo ng kasama siya. Gusto kong tumawa, umiyak ng kasama siya. Gusto ko siyang pagalitan kapag late ng uwi galing trabaho. Gusto kong magkaroon kami ng pang-matandang argumento at hahalikan nya ako para lang maging okay ang lahat. Gusto kong tumanda kasama siya. Gusto kong mamatay ng kasama siya. Gusto ko, kahit sa kabilang buhay; Ako ang nobya nya.
Pathetic diba? Na isipin at umasang mangyayare lahat ito eh pawang disi-syete lang ako at bente-kwatro siya. Hindi pa nga gradweyt ng college. Pero may pinanghahawakan akong pangarap kaya ako nag-aaral ng mabuti. Kaya pumapasok ako sa school. Kaya nagiging ganito ako. Kaya nagsusumikap ako.
Gusto kong magkaroon ng trabaho paglaki ko, at pag-uwi ko, siya at ang magiging anak ko ang uuwian ko ng pasalubong.
Kaya kung mawala siya sa akin ngayon, ano pa ang panghahawakan ko? Sa kanya ko lang gusto mangyari lahat ng ‘to. Siya ang pangarap ko.
Friday, November 26, 2010
Hindi ko alam kung bakit ako naging emosyonal.
Posted by FRIXY at Friday, November 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment