Hindi ako ganun kabilis magsawa sa lalake. Lalo na kung mahal na mahal ko. Lalo na kung seryoso ako. Kapag ang lalake, hindi lumagpas ng isang buwan sa akin. Tatlo lang rason nun.
•Pinaglalaruan ko lang.
•Pinaglalaruan lang ako.
•Hindi lang talaga kami destined na magtagal.
Pero pag ang lalake, sineryoso ko (E.g. Jr Barredo), hindi mo alam kung ano ang mga bagay na maaari kong i-pangako sa lalaking ‘yun. At tinutupad ko. Pag sinabi kong “Hindi ako magsasawa”, hindi talaga ako magsasawa sa taong ‘yun. Siguro kung magsasawa ako, sa mga nangyayari. Sa mga pag-aaway. Pero hindi ko siya iiwan. Hindi ko magagawang makipag-break. Kahit anong sakit pa maramdaman ko, hindi ko magagawang makipaghiwalay. Kahit siya ang rason kung bakit umiiyak ako, siya rin naman ang makakapagpangiti sa akin.
Ang taong mahal ko.
Ang taong kinaiinisan ko.
Ang taong nagpapaiyak sa kin.
Ang taong nagpapasaya sa kin.
Iisang tao lang ‘yan.
Kaya bakit ako hihiwalay kung alam kong may ibibigay ako? Kahit wala na akong makuha, basta naibibigay ko. Ganun ako magmahal. Bigay lang ng bigay. Dahil ang pagmamahal, hindi lang pagtanggap. Kundi pagbigay.
Friday, November 19, 2010
Ganito lang ‘yun.
Posted by FRIXY at Friday, November 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment