BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Friday, November 26, 2010

at mas naramdaman ko ang pagkawalang kwenta ko

Sino ba namang girlfriend ang hindi mapapaisip at magtatampo.

Pagdating sa’yo, ang ikli ng oras. Pero pagdating sa iba, wantusawa.

Okay fine. I get it. Girlfriend lang ako and who am I to compete with his friends. GIRLFRIEND LANG AKO. Syempre dahil hindi naman ako plastik, sinabi ko sa kanya. At ang sinabi nya saken, ang nagpamukhang pabigat ako. Dahil lahat nga daw ng “free time” nya eh binibigay nya sa akin, napapaiyak na daw siya dahil hindi na daw nya nakakasama ang mga kaibigan nya. Okay, fine.

Para hindi na siya umiyak, hindi na ako hihingi ng oras sa kanya. Sa mga classmates nya na araw-araw nya na nakikita. At ako, sumisingit-singit lang. Ang galing. Ang ganda ng logic, pare. Nakakatuwa.

Pinaramdam nya lang sa akin kung gaano ako kawalang kwenta. Pain-in-the-neck bitch. Ano ba yan. Kelangan ko nang matutong maging independent. Hindi yung gusto ko siya laging makasama. Pero kasalanan ko ba kung gusto ko siya laging kayakap. Kahawak ng kamay. Masama ba yun? Hindi naman, diba? Pero bakit parang napaka-one sided ng nararamdaman ko? Na parang ako lang nakakaramdam ng pagka-miss. Ako lang nakakaramdam ng pangungulila. Pero ayoko ring magsawa siya. Kasi ayokong mawala siya.

Magbabago nalang ako.

Ayoko nang magbigay masyado ng effort. Babawasan ko nalang. Kahit pala gusto mo, nakakasawa ring magbigay.

0 comments: