Sino ba namang hindi naadik sa tinatawag nating “Text messaging”? Sino bang hindi na minsa’y naadik sa tinatawag nating Group Messaging o ang sikat na GM? Yung kumbaga, ang laman eh quotes at kanta. Yung tipong ginawang Twitter ang phonebook. Mula pagkagising, pagkain, pagligo, pag-ihi, pag-tae. Lahat na. Kulang nalang pati pag-hinga eh, i-GM.
*vibrate*
*read message*
Inhale. GM.
*vibrate*
*read message*
Exhale. GM.
*receive text 100 times a day.*
Paano pa kaya kung mamamatay ka na? Kelangan ring i-GM?
Kamatayan: Handa ka na ba?
Ikaw: Sandali lang, pre. GM ko lang na mamamatay na ako. Baka kasi magtampo yung iba kong katext pag hindi ko na nareplyan.
Hassle diba? Pero mas common yung pagji-GM ng pangalan ng kanilang nobyo/nobya o di kaya yung date ng kanilang monthsary. Hindi pwedeng mawala sa Special Mention or plug. May kasama pang landi. May kasamang “Iloveyou”. So kelangan talaga ipagsigawan sa lahat? Idadaan mo pa sa ex mo, or former love affair para magselos kuno?
Teka nga. Teka nga. Paano ba naging kayo?
-
NAGSIMULA ANG LAHAT SA HU U.
•Syempre, hihingi nga naman ng number diba? At magtetext. Hindi naman kagad naka-register yun sa cellphone kaya madalas na irereply sayo e “Hu u?”. Kung sosyalerang froglet ka “Who’s this?” kung may pagka-Martsingson (@martsingson), “Da who itech?” at kung Artie Fan ka, “Who dis be?”. Oo nga naman. Mas gusto nga naman ng mga lalake kadalasan manligaw through text dahil hassle free. Hindi mo na kelangan gumastos para sa flowers, transpo, dinner dates at chocolates. Ang kelangan mo lang gastusin eh ang 20 pesos pangload plus effort pumunta ng loading station. Syempre, dun ka nalang sa pindot-pindot nalang. Syempre sa simula, friends lang. Kwentuhan-kwentuhan. Bola dito. Bola dyan. Tumatalbog kahit saan. Landi rito. Landi dyan. Kulitan dito. Kulitan dyan. At mawawala ba ang sinasabi nating “CS”? Or also known as CALL SIGN. Yung may bess, bebe, sweetie, honey, honeybunch, bru, love, baby, mahal. At kahit hindi kayo, ganyan ang tawagan nyo. Tawagan na alam naman nating wala pang katuturan. Laging nasa GM ang isa’t isa. Laging may I love you, sabay joke. At pag may napansin na, hala sige. Aminan na. Gusto kita. Gusto ka nya. Pakapalan nalang. Sa TEXT lang naman, diba? Sangkaterbang ILOVEYOU. Walang humpay na IMISSYOU. At ang di malaos-laos na banatan. Ang saya diba? Isang pindot lang, instant syota na. Pero pagdating sa personal, walang imikan. Todo hiyaan. Parang hindi magkakilala. Kaya dinadaan sa text ang lahat. Eh paano kung walang load? Paano kung busy? Paano KAYO?
PUTANGINANG PAGAAWAY SA TEXT.
•Dahil nga halos lahat na eh napagusapan nyo. Madalas kayong mawalan ng topic. Nakakasawa rin kasi minsan kung lambingan lang ng lambingan. Sa sobrang sweet, e nakakaumay na. Yung tipong “Now what?” or “BRB” pag wala nang mapag-usapan. Hindi lang magtext ng ilang minuto, galit na kagad. Wala lang load, magtatampo na. At dahil wala nang oras para sa isa’t isa. AWAY NA YAN. AWAY NA YAN. AWAY NA YAN. Syempre, mawawala ba ang sandamakmak na pagpaparinig sa GM? Panay pagpaparinig, eh pwede namang i-PM nalang para wala nang gulo. Syempre, pag kinausap mo ng maayos, wala nang gulo. Tapos. Wala nang away. Eh dahil sa puro GM ka lang, ano na? Paano kung hindi na maayos ang lahat?
GOODBYE SA MUNDO. GROUP MESSAGE. I CAN’T GO ON. (ANG BREAK-UP)
•Dahil wala nang nangyari sa text message relationSHIT nyo kundi away at drama, nawala na ang lahat. Dahil sandamakmak na pagdadramang GM ang natanggap sa inbox, eh wala na. Hindi na naayos. Tila nairita na. Magugulat nalang kayo, sa GM, wala na. Pagdating sa mga text, naguumapaw na… “It’s not you, it’s me. I don’t think it’s working between the two of us. Ayoko na. Hirap na hirap na ako sa iyo.”. Yan yun, eh. After weeks and days na pagliligawan at paglalambingan sa pindot ng text, matatapos din pala lahat sa TEXT. Totoo nga ata ang sinasabi nilang, what goes around, comes around.
Hindi ko maintindihan kung tatawa ako o maiinis sa mga ganitong pangyayari. Minsan naisip ko, para saan ba ang cellphone? Means of communication ko ‘to, pero sa iba parang hanapan ng syota at kung anu-ano pa. Kung ako, eh mas prefer kong sa personal lahat mangyare kesa sa text lang. Parang ang hirap naman kasi at ang pangit, diba? Ano yan? Pati sex? Sa phone? SOT? SOP? Mas gusto ko pa ang calls kesa text. At least, mas maiintindihan at mas acceptable pa.
Opinion ko lang ‘to. Hindi ko kayo pipigilan dyan sa mga ginagawa nyo. Trip nyo, eh. Walang basagan ng trip. Rak on. \m/
Friday, November 26, 2010
Ang nakakawindang na TEXT MESSAGING.
Posted by FRIXY at Friday, November 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment