BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Friday, January 1, 2010

ang nakakasawang buhay estudyante...haaaaay!

malapit na namang matapos ang christmas break namin.balik na sa katotohanan,at un ang mag-aral.balik sa dating gawi na halos ilang taon na naming nakasanayan.

kailangan maagang gumising kailangan kumain at maligo sa napakabilis na oras.pag aalis na magpaalam na at magaabang ng masasakyan para sa eskwela.kailangan pang langhapin ang sangdamukal na usok bago ka makarating sa sinasabi nilang pangalawang tahanan.pag dating sa room kukunin ang mga librong tinago sa ilalim ng teacher's table at baka mahuli pa.pag katapos makuha lalabas at tatambay sa katabing room kung saan andun lahat ng katropa.makikipagdaldalan at haharangin kung sinumang kakilala na dadaan para batiin at sabihing good morning lang.pag natanaw na ang adviser na walang alam kundi magpatayo habang nagsesermon pasok na classroom para ibaba ang bag at ayusin ang libro na ipinatong sa armchair.tapos walang sawang morning routine na halos araw-araw simula nung kinder ay ginagawa na.pag tapos sermon na,na minsan ay umaabot ng halos 30 minutes na tayo ang ginagawa namin araw-araw para bang kasama na un sa routine namin sa school(alam kong pag nabasa to ng mga MOG makakarelate un).minsan may mga special mension pa na nagtitimpi ng sumagot at isa na ako dun.minsan pa nga nakakain ung oras ng subject namin sa sermon lang.bale 30 minutes na lang ung natira na pilit na pagkakasyahin para sa pagkopya at seatwork activity.pinapagawa kami ng seatwork na hindi man lang tinuturo dahil kinokopya lang hello andun kaya siya para magturo no kasi di naman sapat ung mabasa lang dapat naiintindihan.naks.;))

sa paglabas ng walang kwenta naming teacher sa TLE sigawan na FILIPINO NA!!!!!!!!!! padating na ang teacher naming nagpipiling na sexy pero dahil mabait siya sige na nga sexy na!.dito namin nilalabas kung ano man ung gusto naming sabihin sa impaktang adviser namin.game siya sa lahat at hindi KJ katulad ng iba..favorite namin ang time niya dahil pagkatapos nun.RECESS NA!!!!!kanya-kanya na ng pwesto ung may mga baon at ung iba bababa para bumili..share lang ng share kung ano man ang meron na pagkain sa room..

next,math na!.papasok na ang teacher naming walang alam kundi gumala pero infairness di siya umaabsent sa klase..BUSET!.

sunod na ang mepFHE..dapat MAPEH yan kaso ung teacher namin jan di niya masabi ng tama kinakain niya ung V,B,P niya..pareparehas ng tunog lahat tunog F.;]]

then..lunch na..kung saan wala ng estudyante na kumakain dahil ang ginagawa lang ay ang makipagdaldalan at gumala.pag dumaan kayo sa hallway namin wala kayong madadaanan dahil maraming nagkalat na asungot.minsan pa may mga showdown ng sayaw na nagaganap.pampalipas oras lang ba..dahil madugo na ang susunod na suject at iyon ay ang...

PHYSICS!..sabi ng teacher namin lahat daw ng nangyayari sa paligid ay may katapat na kahulugan sa physics.kahit ang pagsampal mo sa kaaway mo ay may kahulugan.may normal force daw ung mukha ng sinampal mo na lumalaban sa kamay mo na pinangsampal mo kaya naramdaman mo ung sakit sa pagsampal mo..ANGGULO!..tapos sabayan pa ng...


english..wOOOOOhoooooooooo..nosebleed na.BE AN E ADVOCATE daw sabi ng teacher namin na hinihiling namin na pumalit na adviser namin.approachable kasi siya,malambing,maganda,mabait di katulad ng bruha na adviser namin..MEAN!!!...

atlast!,economics na..parang free time na,nagagawa namin ang lahat ng gusto naming gawinsa aming upuan at iyon ang makipagdaldalan.

0 comments: