I don't know where to start. Gusto ko lang magkwento ng mga nangyare sakin for the past few months na inactive ako sa blog ko.
May mga bagay din na di ko inaasahan na mangyare. At ayoko talagang mangyare. Nastroke si mommy. I needed to leave work para maalagaan ko siya ng mas maayos pero kinailangan ko din bumalik para matustusan ung mga kailangan naming dalawa. Mabili ung mga gamot at maintenance niya. Kelangan ko hatiin ung katawan ko sa tatlo. Bilang anak, bilang employee at para sa sarili ko.
At dahil good provider si Lord, super daming blessings in disguise ang natanggap namin ng mommy ko. Napromote pako sa trabaho ko. Mejo lumawak nga lang ung range ng work ko pero mas okay na din un. Pampadami na din ng experience ko sa resume para kahit dun man lang makabawi bawi ako.
Thanks God naman maganda ung response ng katawan ni mommy sa mga gamot, maintenance at theraphy niya kaya mas mabils ung recovery niya. Sobrang bait talaga ni Lord. Alam niyang kakayanin ko kaya binigay niya sakin ung ganung klaseng pagsubok.
Kami pa ba ng mommy ko. Pupunta pa kami niyan sa Europe eh.
So un na nga, marami talagang nangyare sakin netong mga nakaraang buwan. May mga nakilala ako, may mga bumabalik at may mga bumalik pero later on umalis din ulit. May mga nagpaparamdam pero ineenjoy ko lang muna lahat. Masaya din naman maging single.Marami kang pwedeng gawin na walang magbabawal sayo, walang magagalit at wala kang iniintindihin na sakit sa ulo. I've learn from my past experience na di mo kelangan idepende sa ibang tao ung happiness mo, ung buhay mo at buong pagkatao mo. Di kelangan paikutin mo ung buhay mo sa mundo nila kasi pag iniwan ka na, ikaw din ang kawawa. Nawalan ka na nga muka ka pang tanga.
Andami nang bago sakin after what happened samin ni Ruel. Marami akong natutunan na dati akala ko di ko kaya, na di ko sukat akalain na magagawa ko pala. Mas naging matured akong harapin lahat ng bagay na dumarating sakin. Mas pinagpaplanuhan ko na ng maigi ung buhay ko.
Oo, 23 pa lang ako pero ung responsibilities ko pang 30+ na. Eh ano naman? Wala naman sa muka. Hahahaha.
Ung love?
Di naman yan hinahanap eh. Kusa yan dadating sayo. Trust HIS perfect timing. Kung ibigay na edi pahalagahan pag hindi pa, antay lang natraffic lang un. Hahaha.
All that Im praying to God right now is good health. Para kay mommy at para na din sakin. Mas maraming blessings sa upcoming year.
Ung mga plano ko for next year nawa matupad. Un kasi talaga ung pangarap ko. And I'll do anything to make that happen. Di lang para sa sarili ko kundi para na din sa mommy ko.
At para sa usaping puso ko?
I'll leave that thing private for now. Ayoko muna ipagkekwento baka maudlot. All I know is masaya kami kahit sobrang layo namin sa isat isa. Bago pa lang naman kaya nagpapakiramdaman pa lang muna. Tsaka first time ko to and Im hoping this will work out.
I'm happy with him. (kita naman sa muka. ehem! hahaha)
Kung siya man ung binigay na or hindi pa nawa may matutunan kami sa isat isa. May macontribute nawa kami sa growth naming dalawa.
Mahal niya ako.
Mahal ko siya pati ung extra luggage niya.
092416
Saturday, October 15, 2016
October 16, 2016
Posted by FRIXY at Saturday, October 15, 2016 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)