Just like other love stories, we also came to an end. Di man naging maganda ang ending atleast nagenjoy naman ako sa biyahe.
Oo, natapos na nga ang lovestory ni MA-AL. Nakakalungkot na kung gaano sila kabilis nagtagpo sing bilis din nun ung pagsuko. Mabilis pa sa alas kwatro, bigla bigla na lang naglaho. In just a blink of an eye we ended up being a total strangers. Parang di magkakilala. Parang di nagkakilala. Sinong magaakala na sa hiwalayan din pala ung punta naming dalawa. Ansaya saya namin. Inlove na inlove kami. Ang sweet sweet namin. Akala ko antatag tatag na namin.
Then isang araw...
Dang!
Di na kami nagusap. Wala man lang sumubok lumaban pa sa karera na nasimulan na. Wala nang gumalaw para sumubok umusad pa. Baka sakaling napagod lang kaya nagpahinga na muna.
Napagod na lang talaga siguro ung tadhana. Tadhana o mismong siya? Baka parehas.
Alam ni Lord kung gaano ko pinilit magbago sa huling linggo bago kami natapos. Pinilit kong baguhin kung ano man ung mali sa ugali ko. But damn! I was too late! Buo na ung loob niyang tapusin na kung ano man ang dapat tapusin saming dalawa. He finally got every inch of courage to leave me. Oo, eto na nga. Naiwan na ako. Magisa. Walang kasama. Nakanganga. Dinaig ko pa ang naghikab. Nakanganga na nga, lumuluha pa.
After hearing those words from him, nawala na ung eagerness kong ayusin pa ang "kami". Pano ko aayusin kung mismo siya ayaw na niyang magpaayos pa. Sumuko na nga diba. Tama na. Bitaw na. Tigilan na.
Masakit din kasi marinig mula sa taong mahal mo, mula sa taong isinama mo na sa mga pangarap mo at ginawa mo nang parte ng araw araw mo na kapatid na lang ang turing niya sayo. Sobrang sakit sa dibdib na mahihiling mo na lang sa sarili mo na sana lamunin na lang ako ng lupa o kaya atakihin na lang sa puso o matamaan ng ligaw na bala sa ulo para mabilis.
Nasaktan ako sa bawat salita na narinig ko galing sakanya. Nainis ako sa kanya dahil sumuko siya. Nagalit ako sa sinabi niya. Para bang walang importansya ung mga nangyare nang 4 na taon saming dalawa para masabi niya na kapatid na lang ang tingin niya.
Namuo ung galit ko kesa nasaktan ako.
Nagawa kong hindi umiyak nung iniwan niya ako. Honestly, ni isang patak ng luha simula April 27 walang lumabas sa mga mata ko. Sobra ung galit ko sa mga sinabi niya. Di naman siguro ganun kalala ung naging kasalanan ko para masabi niya at maramdaman niya un towards sakin.
Ayokong magisip pero isang dahilan lang ang naiisip ko kaya nasabi niya un...
May iba na siya.
Sa mga panahon sigurong on the rocks kami meron siguro siya nakilala mas deserving sa kung ano ung kaya niya ibigay. Ung mas papahalagahan siya kesa sa pinahalagahan ko siya. Ung mas mapapasaya siya kesa sa napasaya ko siya. Ung mas mamahalin siya kesa sa pagmamahal ko sakanya.
Di ko naman siya masisisi kasi nga ako ang may sala. Walang ibang dapat sisihin kundi ako lang.
Pero ganun naman talaga diba? Sa una galit talaga ung iiral. Dumaan din ako jan eh. Sinisi ko siya kasi sumuko agad siya. Siya na nagsabi na di niya ako susukuan, di niya ako papakawalan, hindi niya ako iiwan. Kaya naiintindihan ko siya kaya nagawa niya akong iblocked sa facebook at kung saan pa. Alam ko galit din siya.
Sobra din naman kasi akong naging panatag. I took advantage of him. Oo na. Ako naman talaga ung nagkamali. Sakin naman talaga lahat dapat ng sisi. Tama na.
I already got what I really deserve.
Ung mawala siya.
Pero in the end, ok na siguro tong nangyare samin. Kung may iba man siya ok na un atleast di niya ako pinagmukang tanga. Kung wala man ok na din un, di na rin kami mahihirapan pa.
I know God has better plans for the both of us. Di man magkasama I know it will be for the better if not the best for us.
No regrets Ruel, just lessons learned.
Naenjoy ko ung biyahe kasama ka. Nawa naenjoy mo din ung company ko for 49 months. I enjoyed every bits of US for a not so long time. Wishing you all the happiness in the world. It's always a pleasure meeting you.
Thank you again Ruel. Until I see you again, my friend. ☺️
--Finally!!!! Thank you Lord for the emotional healing. Nasulat ko na tong last blog ko para sakanya. Ngayon ko masasabing TANGGAP KO NA.
Ang gaan sa pakiramdam na masulat ko to nang walang galit sa puso ko. Sobrang gaan. Sobrang saya. Sobrang fullfiling. Thank you Lord! 🙏