BLOGGER TEMPLATES Funny Pictures

Wednesday, March 28, 2012

May mga tao talagang masasaktan ka emotionally, kahit pa wala silang ginagawang masama sayo...

May mga tao talagang nasasaktan ka kahit yung mga ginagawa niya walang konek sayo.
1. Kaka break lang.

 Para to sa mga taong kakahiwalay lang sa bf/gf or matagal ng nagkahiwalay pero di makagetover. Nasasaktan na nga dahil naalala yung mga memories, Stalk pa din ng stalk, yun may mga nakikita na masasaktan siya. Yung tipong sa school, inaalam niya pa din ang mga nangyayari sa ex niya, nagpapalugmok kasi. Gustong kausapin yung ex, kaso ayaw. Nagpapakabitter, lalo na pag nabalitaan yung mga bagong nangyari. Nasasaktan pag iniisp na masaya yung ex niya na wala siya at ang masakit pa don, may bago na siya agad.
2. Basted.
Eto naman ay para sa mga lalaki na nabasted. Yung tipong lahat na ng effort nagawa niya tapos BOOM. “I’m not ready yet..Let’s just be friends.” Aba syempre, masakit yun. Tapos makikita mo na may kasama ng iba yung babae. If you know what i mean.
3. Patama.
Yung mga taong nagpapatama through GMs, Status sa FB or PARINIG. Leche lang, kasi alam mo na para sayo yun na kahit umilag ka, di tatama. Di ba? Hahaa. Shoot. Masakit din yun noh? Kunwari tungkol sa malandi malandi yan, ikaw ba naman sabihan ng ganun eh wala kang ginagawa?
4. Wala siyang alam.

Para to sa mga taong umaasa lang na magkagusto, mapansin at maging bahagi ng buhay ng tao na nasasaktan siya. Eto kasi yung magkagusto type. Hehe. Basta, hindi ka kasi related sa buhay ng tao na yun. Kaya hanggang stalk ka lang, nagpapakasakali at tingin. Pangarap lang kita kumbaga. Pero kung ano man yung gawin niya na hindi tama, nasasaktan ka.
5. Selos.
Natural naman to eh. Kahit saan diyan. Basta konektado SIYA sa ibang TAO at hanggang tingin ka lang sa KANILA, aba syempre.. masakit yun.
Ganito talaga ang buhay. Minsan Take lang ng take ng sakit. Sana naman kahit minsan, pwedeng Give and take

Ang pagiging kuntento ay hindi lang magsasabi kapag masaya ka sa kanya kahit matagal na kayong nagsasama.

Masasabi mo ‘yun kapag ilang beses ka nang tuksuhin ng iba pero hindi mo pa rin siya iniwan kasi alam mong sa kanya ka lang talaga masaya.

Minsan kailangan mong matutong bumitaw. Mas okay maging malungkot ng panadalian kaysa naman mukha kang tanga ng pangmatagalan.

Dalawa lang naman talaga ang hinihiling ng bawat isa sa atin.

  1. Mahalin tayo ng minamahal natin.
  2. Paulit-ulit niyang gawin ‘yung una.

Aminin mo, kapag pinapatahan ka, mas lalo ka pang naiiyak.

TRUE~

Lahat ng relasyon ay may hangganan.

Nagiging matagal lang ‘yun kung pareho kayong kumakapit, lumalaban at natututo sa inyong mga pagkakamali.

Ang tao ay nagbabago lalo na pag paulit-ulit ang nangyayari.

Kahit gaano ka pa kasigurado sa posisyon mo sa kanya, pag bigla siyang napagod at nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga, kahit isa ka pa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya, magagawa ka niyang tiisin para malaman mong iba pag wala siya.

Minsan pag-isipan muna natin ang mga pwedeng maging consequences ng mga bagay na gagawin natin - personal na kagustuhan man ito o pabor mula sa isang kaibigan - lalong-lao na kung magkakaroon ito ng matinding epekto sa taong minamahal natin. Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka gagawa ng mga bagay-bagay na ikakasakit niya. Magsinungaling ka man para protektahan siya o dahil ayaw mong mag-away kayo, sa bandang huli, mangyayari ‘yung kinatatakutan mo. Mapagtatanto mong nasa huli talaga ang pagsisisi. Isipin mo na lang, dahil sa maling desisyon mo, napasaya mo ba ‘yung taong minahamahal mo?

Taksil man ang mga mata ko....

stick to one naman ang puso ko. :)

Kaya siguro mas nararamdaman ko ung lungkot kasi wala akong ginagawa. MakapagBlog nga!~

wala talagang magandsa sa araw na to.

Why? Puro na lang ako iyak. I really dont know what gotten into me.Bakit nagsunod sunod naman ung mga bad vibes na nangyayari sakin ngayong araw na to.Gulong-gulo na ung utak ko ngayon. Tengene naman kasi eh. Bat pa nauso yang mga eksena na yan eh. Pampagulo lahat ng mga nakapaligid sakin, samin. haaaay nako.Pero life must go on. Lahat ng mga trial na ito ay binigay ni lord para saming dalawa to make our relationship stronger and tighter.Kakayanin Sir!~

Tuesday, March 27, 2012

Huwag kang magkunwaring concerned ka sa kanya…

Kung noong minsan kinailangan ka nya, ni anino mo hindi ka nagpakita.

laugh is...

ginagamit panulat. HAHAHA~

Hindi ka na niya babalikan pa.

Huwag mong pabayaan ang sarili mo. At hindi pa natatapos ang pag-ikot ng mundo kaya mag-move on ka nang tanga ka!

Sana ang sakit ay pwedeng hawakan na lang.

Para kapag nasasaktan ka na, pwede mo na lang basta bitawan.

NAKAKAYAMOT!~

NAMIMISS DAW MINU-MINUTO? KAYA PALA ANDUN KA SA TROPA MO AT NAKIKIPADUTUTANG DILA! ANG AKIN LANG NAMAN AY UNG MASULIT LANG UNG NALALABING LIBRENG ORAS KO. UN LANG NAMAN TALAGA UNG PINUPUNTO KO EH. UN LANG! PANO PAPASOK NANAMAN TAYO. WALANG COMMUNICATION. WALANG PHYSICAL ATTRACTION. UN BA UNG DEFINITION NG NAMIMISS? CHILDISH NA BANG MATUTURING UNG INAASAL KO? MAY PUNTO NAMAN DIN UNG PINUPUNTO KO, RIGHT? NAKAKAASAR LANG. ANONG PETSA NA? 3 IN THE AFTERNOON NA TAS 5PM ANG PASOK KO. NAKAKAASAR TALAGA. TRY KO KAYA MINSAN SAYO UNG GINAGAWA MO NGAYON SAKIN. LET'S SEE HOW WILL YOU REACT. MINSAN NA NGA LANG AKO MAGKAROON NG SPARE TIME NA PWEDE KO GAWIN LAHAT UNG GUSTO YET NASASAYANG KAKAINTAY SAYO. BV MUCH!~~~

Holy week.

Mahal na araw nanaman. Dineclare na ng aking pinakamamahal na nobyo na samin niya igugunita ang kaniyang mahal na araw. It's our second time around. Oh diba? Pano ba yan, love is sweeter the second time around. So, lalanggamin na kami niyan. palag?

Isang linggong pag-ibig

YES! Halos 1 week na kaming magkasama. sinasamahan niya ako nung panahon na lugmok ung pamilya namin sa pagkamatay ng Tita ko. I saw all his efforts na patuloy pa din niyang ginagawa just to please my little heart's desire. Nakita ko ung pagaalaga niya sakin lalo na sa pagkain. Hindi po kasi ako marunong magluto. Siya lahat gumawa ng gawaing pangkusina.While washing my clothes, siya naman ung naglilinis ng bahay, nagwawalis, naghuhugas. Dun ko nakita ung pagpapahalaga niya samin, sakin pati na din sa pamilya ko. He even accompany me during the last wake of  my Tita. Nakijoin force siya ng puyatan at nakipagbonding siya sa mga pinsanan ko. I saw that they're geting along well. Para ngnag magpinsanan silang dalawa kesa samin eh. Hanggang sa burol ng Tita ko present pa din siya. Tagahawak ng payong, tagapaypay at tagapunas ng luha that keep on running through my face habang tinitignan ung huling sulyap sa labi ng Tita ko. Nakita ko lahat ng pagpapahalaga siya sakin maging sa pamilya ko. I am really lucky to have him all this time. He never failed to make me feel how loved I am. Tiwala lang talaga na magtatagal kami. Tiwala lang. I really do love him with all my heart. He's my life now.. Kumbaga, siya na ung nagbigay kulay sa mundo ko. He spiced up my life. Ang hot hot kasi, yan tuloy nakakapaso. HAHA~





We will keep on running from tomorrow with our lips locked. Je'taime lab!. :*

Monday, March 19, 2012

HAPPY 1ST YEAR ANNIVERSARY RUEL.

I love you. :)

Wednesday, March 14, 2012

Happiness is a choice

They say that happiness is a choice. That’s why I chose to love you and fight my feelings for you until the end because I thought that having you would be my ultimate happiness. However, I was wrong. You proved me wrong. You rejected me. You hated me. I was sorry for all the bad things I did. I know that I’m not perfect, but I know that the love I have for you can make me closed to perfection.

I was asking for a second chance, but you did not give me time to prove myself to you and to anybody else. Now I know that happiness is a choice, yet I chose to accept the truth – a reality that slaps me all the time, a reality that makes me insane and a reality that makes my heart die.
Happiness is a choice, and you chose to break my heart. I know that this is not the end. I have to move on and let go. Now, I am changing to be a better and stronger soldier; I am choosing a different path to be happy – a brave, new world without you.

Sabi nila, “Baguhin mo ang sarili mo hindi para sa taong mahal mo kundi para sa sarili mo.”

Pero minsan hindi talaga maiiwasan na parang nagbabago ka sa bawat karelasyon mo. At sinasabi ding kaya mong baguhin ang sarili mo para sa taong minamahal mo kung mahal mo talaga siya. Pero para sa akin, hindi pagbabago ang tawag dun kundi adjustment. Handa kang mag-adjust ng ugali o pagkatao mo para magmeet kayo halfway ng taong minamahal mo.

March 12, 2012 (A late post)



Hugging me while saying right next to my ears how he truly loves me is the next most memorable thing happened in my whole life. You heard that right. Narinig at nakita ko how sincere he was while saying those things to me. Nung tignan ko ung mga mga mata niya WTH?! teary eyed siya. Dun talaga ako napaiyak. It was like "Finally! akin na talaga siya ng buong-buo" I don't know how to explain how I really felt that time. Ang saya saya ko na finally narinig ko na ung mga bagay na simula pa noong una ay gusto ko nang marinig mula sa kanya. Totoo nga ung sinasabi nila, all good things come to those who wait. At syempre sinasamahan ko din ng prayers ko na sana siya na nga ung matagal ko nang hinihiling kay Lord. Even ung matagal ko nang pinagdadasal na pag nakasama ko na ung talagang binigay sakin ni Lord, isisimba ko siya kahit saang simbahan. It happened last March 8, 2012 at Antipolo Church at talagang sumaktong pagkaupo namin after a couple of minutes nagsisimula na ung mass. I was shocked!. Siya pa talaga ung nagaya sakin na magsimba. Nakita ko na lang ung sarili kong hawak ung kamay niya while hearing mass. Then after pagkalabas namin ng chuech he even whispered to my ears na "ulitin natin to ah?". Ansarap pala ng feeling na tinutupad ng isang tao ung mga hinihiling mo just tomake you happy. I am really contented and very happy with him. Sabi niya nga sakin, "Mahala na mahal kita yen. Ayokong nakikia kitang nahihirapan. Ihahaon kita sa kinalalagyan mo ngayon. Sobrang happy ako na aabot na tayo ng isang taon na parang walang nagbabago. Mahal na mahal kita! (his hugs become tighter and tighter). Di ko alam kung bakit di ako nakapagsalita nung mga oras na nakakulong ako sa bisig niya. Basta iyak lang ako ng iyak. Ramdam na ramdam ko ung fireworks sa puso ko na nangangahulugan ng saya ko nung mga oras na un. I even wished na sana di na natpos ung oras na magkayakap kami at naririnig kong ibinubulong niya sakin lahat ng gusto kong marinig mula sa kanya. Kahit paulit ulit, pangako mahal di ako magsasawang balik balikan lahat ng un. Mahal na mahal din kita. Kagaya ng bilin mo, I really won't give up even if its the end of the whole world. Now I can say na unti unti ko na siyang pinapakilala kay Lord. Unti unti ko na siyang naiisave from the deep abyss.Unti unti na namin ginagawang sentro si Lord ng relasyon namin ngayon. I love you Ruel. You mean the whole world to me.








Friday, March 2, 2012

narating na namin

malapit na kami mag-one year! :D
March 20, anniversary na namin.
I am so proud to say that narating na namin yung stage na kung saan

  • Kumportable na kami sa isa’t-isa
  • Nasasabi na ang gustong sabihin
  • Wala na kaming paki kung di maayos itsura namin kapag kaharap ang isa’t-isa
  • Nagagawa na yung gustong gawin